Janitor Noon, Milyonaryo Na Ngayon: Ang Kwento ng Pag-angat ni Julius Ladigohon

Janitor Noon, Milyonaryo Na Ngayon: Ang Kwento ng Pag-angat ni Julius Ladigohon

Janitor Noon, Milyonaryo Na Ngayon: Ang Kwento ng Pag-angat ni Julius Ladigohon

Malaki ang pasasalamat ni Julius Ladigohon sa Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran o Ina ng Laging Saklolo dahil sa himala at kahilingan niyang natutupad tuwing inalalapit niya ito dito. 

Noon ay janitor lamang siya sa simbahan at pangarap niyang umasenso sa buhay. Ngunit ngayon, siya ay isa ng matagumpay at milyonaryong CEO ng sarili niyang kompanya.

Nanggaling sa hirap si Julius, na dati ay tumutulong sa pamilya sa pagkuha ng mga kahoy para gawing uling. Noon ay pangarap niyang maging isang pari at sa simbahan siya halos lumaki.

Nagtrabaho rin siya bilang tagagawa ng proyekto ng kaniyang mga kaklase para makakain ng tanghalian at makapag-ipon ng pera para sa kanyang pag-aaral. Binabayaraan lamang siya noong ng dalawa hanggang limang piso.

Dahil sa pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, lumuwas si Ladigohon mula sa Pangasinan patungong Maynila upang maghanap ng trabaho at makapag-aral sa kolehiyo. Sa Baclaran Church siya naghanap ng trabaho at doon niya nakilala ang dating kura paroko na si Fr. Thom Hodgins.

Inalok siya na maging working student bilang janitor, at nag-aalis ng mga kandilang nakadikit sa sahig. Sa kanyang trabaho, kumikita siya ng P3,000 kada buwan, kung saan kalahati nito ay ipinapadala niya sa kanyang pamilya sa probinsiya. Pagkaraan ng dalawang taon, kinuha siya ng simbahan bilang isang scholar ngunit nagpatuloy pa rin siyang magtrabaho bilang janitor.

Aniya, "Hindi ako nahihiya na nagta-trabaho ako as janitor, proud pa nga ako eh. Nandun yung hirap na pagsabayin uuwi ka ng 11:00pm tapos gigising ka kinabukasan ng 6:00am para pumasok sa trabaho. Maaaring yung pagod naramdaman ko sa katawan ko, pero sa puso't isipan, hindi."

Matapos ang limang taon, nakapagtapos si Ladigohon ng kursong BS Customs and Administration.

Nagtrabaho siya bilang clerk sa isang logistics company mula sa pagiging janitor at dito na rin siya nagkaroon ng kanyang pamilya.

Nakapromote siya bilang Vice President sa kanilang kumpanya ngunit hindi siya nakuntento at naisip na magkaroon ng sariling logistics company.

Sa tulong ng kanyang asawa na si Eleonor, nagtayo si Julius ng sariling logistics company na unti-unti namang lumaki at umasenso.

Dahil dito, mula sa pagiging dating janitor sa simbahan, ngayon ay isa na siyang CEO ng sarili niyang kumpanya.

Bilang CEO, nakapagpundar na sila ng kanyang asawa ng dalawang bahay, condo unit, at dalawang farm. Nabili rin ni Ladigohon ng ilang mamahaling sasakyan.

Upang magpasalamat, may plano si Julius na magtayo ng scholarship program para sa mga estudyanteng katulad niya, na kahit hirap man noon sa buhay ay deserving naman.

Mula noon ay palagi niyang binibisita ang Baclaran Church na nagbigay sa kanya ng pag-asa at tinulungan siyang maabot ang kanyang mga pangarap.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma

Facebook