Herlene Budol, pinag-iingat kay Cesar Montano

Herlene Budol, pinag-iingat kay Cesar Montano

Herlene Budol, pinag-iingat kay Cesar Montano

Nagbabala ang maraming netizens sa vlogger-comedian at Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up na si Herlene Nicole Budol dahil sa pagiging malapit nito sa Filipino actor at film director na si Cesar Montano.

Pinag-uusapan ngayon ang dalawa dahil sa litratong in-upload ni Herlene sa kanyang Instagram noong May 5 kung saan mapapansin ang pagiging malapit nila ni Cesar sa isa’t isa.

“Shoutout pareng kagawad pogi @cesarbuboymontano,” saad ni Herlene sa kanyang caption.

Agad na umani ng mga negatibong komento at reaksyon ang nasabing post ni Herlene at puro babala’t pasaring sa kasamang aktor.

Pinag-iingat nga ng maraming netizens si Herlene kay Cesar dahil isa raw itong certified at notorious babaero.

“Mag-ingat sa isang certified first class babaero,” pahayag ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Huwag magpadala. Isip-isip, nasa huli ang pagsisisi.”

Paalala naman ng isang concerned citizen, “Tama, Herlene. Mag-ingat ka. ‘Wag agad kumapit, isip-isip muna. Huwag daanin sa pabilisan. Konting pasensya pa.”

Natawa naman ang isang netizen sa mga hindi magagandang komento tungkol kay Cesar.

Katwiran pa nito, imposible raw na patulan ni Cesar si Herlene dahil mukhang nagbago na raw ang aktor lalo pa't mga dalaga na raw ang mga anak nito sa kanyang dating asawa na si Sunshine Cruz.

Aniya, “Walang magandang comments tungkol kay Cesar. As if naman papatulan ‘yan ni @herlene_budol. Mga dalaga na anak ni Cesar kaya surely nagbago na.”

Subalit tila hindi naman relasyon ang ipinapahiwatig ng litratong in-upload ni Herlene dahil noong April 11 ay nag-upload din ng litrato sa Instagram si Wilbert Tolentino, ang talent manager ni Herlene.

Kasama ni Wilbert sa litrato si Cesar at pinasasalamatan ang direktor sa pagkuha sa kanyang mga alagang artista na sina Herlene at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Madam Inutz para sa isang pelikula.

Ani Wilbert sa caption, “After 25 years nagkita tayo uli Direk Buboy Cesar D. Montano. Thank you for getting Herlene Nicole Budol and Madam Inutz for [an] upcoming movie project.”

Noong April 21 naman ay nag-upload ng panibagong litrato sa Instagram si Wilbert.

Mapapansin na pareho lamang ang lugar o background ng mga litratong in-upload nila ni Herlene.

Spotted sa litrato sina Wilbert, Cesar, Herlene, at Madam Inutz.

“Meeting with Direk Cesar D. Montano for movie project– Herlene Budol, Madam Inutz, Wilbert Tolentino,” saad ni Wilbert sa caption.

Si Herlene, na nakilala bilang “Hipon Girl” sa Wowowin segment na “Willie of Fortune” ay itinanghal na 1st runner-up ng Binibining Pilipinas 2022 at ire-representa dapat ang Pilipinas sa Miss Planet International 2022 ngunit umatras.

Wala pang anusyo o balita tungkol sa ginagawang pelikula ni Cesar kasama si Herlene at Madam Inutz.

Samantala, si Cesar naman ay ay kilala sa dami ng naging asawa at anak.

May dalawang anak si Cesar sa kanyang unang asawa na si Marilyn Polinga at tatlong anak naman sa kanyang ikalawang asawa na si Sunshine Cruz na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

Anak niya rin ang aktor na si Diego Loyzaga sa aktres na si Teresa Loyzaga. 

May isang anak na lalaki din si Cesar sa dating kasintahan na si Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert at tatlong anak naman sa kasintahan niya ngayon na si Socorro Angeles.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma

Facebook