window.addEventListener("load", function(){ window.cookieconsent.initialise({ "palette": { "popup": { "background": "#000" }, "button": { "background": "#f1d600" } }, "position": "bottom-right", "content": { "href": "https://www.dailyfilipinonews.com/p/privacy-policy.html" } })}); Panalangin Para Kay Gary V: Nakababahalang Post

Panalangin Para Kay Gary V: Nakababahalang Post

Panalangin Para Kay Gary Valenciano: Nakababahalang Post

Panalangin Para Kay Gary V: Nakababahalang Post

Panalangin Para Kay Gary V: Nakababahalang Post

Gaya ng ordinaryong tao, nahaharap din sa iba’t ibang pagsubok sa buhay ang mga hinahangaan nating artista.

Kamakailan lamang ay bumuhos sa social media ang mensahe ng pag-alala at panalangin para sa singer-songwriter na si Gary V. o Gary Valenciano.

Gary V. bilang si Mr. Pure Energy:

Kilala si Gary V. sa showbizness bilang “Mr. Pure Energy.” At sa bansag pa lamang sa kanya, malalaman nang isa siyang mahusay na performer. 

Sa katunayan, talo pa niya sa edad na 58-anyos ang mga batang performer kapag siya ay kumanta at umindak na sa entablado. Kaya naman ang malamang siya ay kasalukuyang nahaharap sa matinding pagsubok patungkol sa kanyang kalusugan ay nagdulot ng labis na pag-aalala sa marami.

Nakababahalang Post:  

Noong December 14 nga lang ay nagbahagi ng isang nakababahalang post si Gary V. sa kanyang Twitter account.

Sa naturang post ay madamdamin niyang inihayag na kailangan umano niya ang ‘miraculous touch’ ng Diyos para malampasan ang pagsubok na pinagdadaanan niya ngayon.

Buong pagpapakumbaba rin siyang humingi ng tulong sa Diyos upang malagpasan niya ang mga susunod na gabi sa kanyang buhay.

Bukod dito, ipinagdasal din niya noon na sana ay hindi raw maging balakid ang kanyang pinagdadaanan ngayon upang maramdaman niya ang diwa ng pasko.

Ani Gary V, “Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come. Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all these challenges.”

Sa huli, dasal ni Gary V. sa Diyos na panatilihin siya Nitong malusog sa lahat ng oras.

Aniya, “Kindly help in keeping me healthy at all times Lord. In Your name Jesus I pray, Amen.”

Panalangin Para Kay Gary V.:  

Agad ngang bumuhos ang mensahe ng panalangin para kay Gary V. mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya, at sa kanyang libu-libong tagahanga.

Laman ng kanilang panalangin na malampasan ni Gary V. kung ano man ang pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon sa kanyang kalusugan.

Narito ang kumento ng ilang netizens:

“With God nothing is imposible....believe and it will happen may His healing hands touch you and cleans every nerve in your body to restor your health to Glorify His Name forever. Amen”

“Our Almighty Father in Heaven bless and give you a healthy and long life, Mr.Gary V.you are an idol and inspiration..”

“Lord we pray for the healing of Mr. Gary Valenciano. We lift him up to you O Lord because you are the way, the truth and the life. Nothing is impossible to You O Lord, amen.”

Tunay Na Kalagayan Ngayon ni Gary V.:  

Samantala, kasunod ng kanyang post, marami ang napatanong kung ano nga ba talaga ang tunay na kalagayan ngayon ng nag-iisang Mr. Pure Energy.

Marami-rami na rin ang narinig nating malubhang karamdaman na pinagdaanan ni Gary V. sa mga nakalipas na taon at hindi lihim na nalagpasan niya ang mga ito.

At mukhang sa pagkakataong ito, muli na naman niyang nalagpasan ang isa sa pinakamahirap na gabi sa kanyang buhay.

Ito ay matapos niyang  ibalita sa kanyang pinakabagong Twitter post na unti-unti nang bumubuti ang kanyang kalagayan. 

Wala rin daw dapat ipag-alala ang marami dahil kailangan lamang daw niyang magpahinga para gumaling.

Humingi rin si Gary V. ng paumanhin dahil nagdulot ng panic sa marami ang kanyang naunang post. 

Hindi naman nakalimutan ni Gary V. na pasalamatan ang mga taong nag-alala sa kanya at ipinagdasal ang kanyang paggaling.

Aniya, "Hi everyone. Looks like my last tweet caused many to panic. My apologies. Thanks for your genuine concern. I’m on my way to getting much better, friends. We all hit moments when our bodies just need to rest and I know that’s what I need. I love you all. Thanks again. I’m OK.”

Ngayon ay malinaw na sa lahat na maayos na ang lagay ni Gary V.

Pero ang kanyang post ay tila isang paalala naman sa ating lahat na huwag abusuhin ang ating katawan at magpahinga rin.

Bukod dito, isa rin itong paalala sa atin na huwag nating kalimutan na magdasal sa Diyos.

Gaya nga ng iniidolo ng marami na si Gary V., kahit na anong estado na nito sa buhay, nananatili pa rin ang pananalig nito sa Diyos, sa panahon man ng tagumpay o pagsubok. 

COMMENTS

Name

Entertainment,678,Health,47,News,177,Others,7,Technology,1,Travel,12,
ltr
item
Daily Filipino News | Health and Showbiz Updates : Panalangin Para Kay Gary V: Nakababahalang Post
Panalangin Para Kay Gary V: Nakababahalang Post
Panalangin Para Kay Gary Valenciano: Nakababahalang Post
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg_e1nSXrDfebc_sabuqXe6dlzuFEYM9v3De9U36HaEM86ZSK6qCZlCt_A-831AP3RhfZUMFS8MtZeNSABLygUOXhuVfFspmiEX2ZvlMRzLECxSBpu5KadkXLHidrXQSkoK6DCPHd3Iy1JDK2yL9-cxT45E4s8WJKWo-i7F4B5_5bAFxas1L2GwDxZU/w640-h360/Panalangin%20Para%20Kay%20Gary%20V%20Nakababahalang%20Post.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg_e1nSXrDfebc_sabuqXe6dlzuFEYM9v3De9U36HaEM86ZSK6qCZlCt_A-831AP3RhfZUMFS8MtZeNSABLygUOXhuVfFspmiEX2ZvlMRzLECxSBpu5KadkXLHidrXQSkoK6DCPHd3Iy1JDK2yL9-cxT45E4s8WJKWo-i7F4B5_5bAFxas1L2GwDxZU/s72-w640-c-h360/Panalangin%20Para%20Kay%20Gary%20V%20Nakababahalang%20Post.png
Daily Filipino News | Health and Showbiz Updates
https://www.dailyfilipinonews.com/2022/12/panalangin-para-kay-gary-v.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2022/12/panalangin-para-kay-gary-v.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy