window.addEventListener("load", function(){ window.cookieconsent.initialise({ "palette": { "popup": { "background": "#000" }, "button": { "background": "#f1d600" } }, "position": "bottom-right", "content": { "href": "https://www.dailyfilipinonews.com/p/privacy-policy.html" } })}); Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot

Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot

Upang mapatunayan ng dahon ng bayabas ang husay nito bilang isang herbal medicine, narito ang limang benepisyo ng pag-inom ng dahon ng bayabas.

Mga Benepisyo at Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot

Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot

Ang isa sa mga kilalang prutas na hitik sa mga berdeng bunga ay ang puno ng bayabas o guava sa Ingles. Madalas na matatagpuan ang puno ng bayabas sa mga tropikal na bansa kagaya ng PIlipinas. Ito ay punong namumulaklak, at may taglay na kakaiba ngunit mabangong amoy sa dahon nito.

Kilala ang bayabas lalo na ang dahon nito bilang isang mahusay na halamang gamot. Maraming sakit ang kaya nitong pagalingin dahil mayaman ito sa nutrisyon at bitamina na tiyak makatutulong sa pagpapaganda ng kondisyon ng katawan.

Upang mapatunayan ng dahon ng bayabas ang husay nito bilang isang herbal medicine, narito ang limang benepisyo ng paglalaga o pag-inom ng dahon ng bayabas.

1. Isinasaayos ang daloy ng dugo sa katawan

Kung nakakaranas ng problema sa daloy ng dugo sa katawan, mabisang gamot ang nilagang dahon ng bayabas upang mabawasan ang bilang ng cholesterol sa dugo ng isang tao. Isa pang magandang benepisyo nito ay ang pagpapanatili nito na maging matubig ang dugo at siya ring nagpapababa ng blood pressure.

Taglay din ng bayabas ang mataas na bilang ng fiber na tumutulong upang mabalik sa normal ang blood pressure kaya kung mahilig ang isang tao sa mga pagkain na mababa ang fiber content, marapat na simulan ng uminom ng pinakuluang dahon ng bayabas.

2. Magaling na lunas sa mga namamagang sugat

Madalas na takbuhan ng mga taong may namamagang sugat ang pinakuluang dahon ng bayabas upang ipang-langgas o hugas sa kanilang mga sugat. Mainam na gamitin ito dahil sa antibacterial property na mayroon ang dahon ng bayabas upang makaiwas sa impeksyon o paglala ng sugat.

Maari ding gamitin ang dahon ng bayabas kahit hindi pinakuluan bilang pangtapal sa mga sugat. Hugasan lamang itong mabuti at pagkatapos ay dikdikin o pinuhin ng mabuti para maitapal sa bahagi na may sugat o pamamaga. Kasama rin sa napapagaling nito ay ang namamagang bibig at galagid.

3. Herbal medicine na sagot sa pagdumi o pagtatae

Napatunayan sa isang pag-aaral na epektibong nagagamot ng dahon ng bayabas ang problema sa pagdumi o pagtatae ng isang tao. Sa tulong ng katas ng dahon ng bayabas na hinalo sa tubig, pinipigilan nito ang pagkalat ng mga mikrobyo na siyang sanhi ng dalasang pagdumi o pagtatae.

4. Mabisang panglaban sa mga sakit

Mayaman ang bayabas sa bitamina kagaya ng Vitamin C na mahalaga sa kalusugan ng isang tao, mapa-matanda man o bata. Sa tulong ng Vitamin C na mula sa bayabas, pinapatibay nito ang immune system ng katawan upang epektibong labanan ang mga sakit katulad ng ubo, sipon, at lagnat. Tumutulong din ito upang ibalik ang lakas ng katawan na galing sa pisikal at mental na istres.

Ang pinagsamang potassium at Vitamin C ay daan upang patatagin ang cardiovascular system sa katawan, mapanatili na normal ang ritmo ng puso, maayos ang nutrisyon ng myocardial, at ayusin ang daluyan ng dugo sa katawan.

5. Epektibong pinipigilan ang pagkalat ng kanser

Isa sa pinakamalahagang sakit na kayang gamutin ng dahon ng bayabas ay ang pagkalat ng cancer cells. Gamit ang langis o katas na mula sa dahon ng bayabas, mabisa nitong pinipigilan ang pagkalat at pagdami ng mga cancer cells. Matagumpay nitong nilalabanan ang mga uri ng cancer katulad ng prostate at breast cancer.

COMMENTS

Name

Entertainment,520,Food,2,Health,43,News,129,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News | Health and Showbiz Updates : Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot
Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot
Upang mapatunayan ng dahon ng bayabas ang husay nito bilang isang herbal medicine, narito ang limang benepisyo ng pag-inom ng dahon ng bayabas.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhttm0qAcAxa8DAtFmvPJpmhSGfta0d3IgbWXWtMojNHAuX4_qpS25SGm1UQoatdmkkyPTnFvm7SAa4vicGd0FM4HTxv7-aXaqtuWXFp8DHx4Ecw_OzYyw80HlRXaubomi44tCX8maDv3AngVVRQXChlx9CXd9RMN8_kfZhn3Y8vuC1VvoF9Qn5F-yk/w640-h478/Mga%20Pakinabang%20ng%20Dahon%20ng%20Bayabas%20Bilang%20Halamang%20Gamot.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhttm0qAcAxa8DAtFmvPJpmhSGfta0d3IgbWXWtMojNHAuX4_qpS25SGm1UQoatdmkkyPTnFvm7SAa4vicGd0FM4HTxv7-aXaqtuWXFp8DHx4Ecw_OzYyw80HlRXaubomi44tCX8maDv3AngVVRQXChlx9CXd9RMN8_kfZhn3Y8vuC1VvoF9Qn5F-yk/s72-w640-c-h478/Mga%20Pakinabang%20ng%20Dahon%20ng%20Bayabas%20Bilang%20Halamang%20Gamot.jpg
Daily Filipino News | Health and Showbiz Updates
https://www.dailyfilipinonews.com/2022/05/mga-pakinabang-ng-dahon-ng-bayabas.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2022/05/mga-pakinabang-ng-dahon-ng-bayabas.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy