Marahil karamihan sa inyo ay narinig na o minsan nang naka-gamit ng Apple cider vinegar. Marami nang mga bali-balita at napatunayan mismo ng siyensya
Apple Cider Vinegar Mabuti Nga Ba Sa Kalusugan?
Marahil karamihan sa inyo ay narinig na o minsan nang naka-gamit ng Apple cider vinegar. Marami nang mga bali-balita at napatunayan mismo ng siyensya na ang likidong ito ay may mga katangiang maaring makatulong sa ating kalusugan.
Ngunit hindi sapat na hanggang dito lamang ang ating nalalaman. Tukuyin natin kung ano-ano pa nga ba ang kakayanan at taglay ng sukang ito nito.
Saan nga ba nagmula ang salitang vinegar? . Ang vinegar ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay “sour wine”. Sa bansang pilipinas ay tinatawag naman itong suka.
Alam mo ba na taong 5,000 BC pa ng unang gamitin ito ng mga Babylonians gamit ang prutas na datiles o dates. Ginagamit nila ito upang mapreserba ang pagkain at ginagamit din nila ito sa pag-aatsara. Taong 3,000 BC naman ng lumaganap ito sa bansang Egypt hanggang sa kumalat na ito sa ibat-ibang karatig bansa.
Sa katunayan ang vinegar ay minsan ng nabanggit sa bibliya sa luma at bagong tipan. Sa loob ng nakalipas na libong taon hanggang ngayon ay patuloy natin itong ginagamit. Pumunta na tayo sa importanteng bahagi. Ayon sa mga pananaliksik ng mga siyentipiko, mayroon daw healing property ito.
Ang Apple cider vinegar ay laganap na pampabawas ng timbang, nakakapagpabawas ng cholesterol, pinapalakas ang katawan, pinapabuti nito ang ating digestion, pinapaganda din nito ang pagtubo ng ating buhok, inaayos ang ating insulin sensitivity, nakakatulong din ito sa pagpapababa ng ating blood sugar at marami pang iba.
Sa bansang Netherlands, taong 2012, pinangunahan ng mga dutch ang pagsasaliksik sa North Africa. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga babaeng kumukunsumo ng apple cider vinegar ay mabilis na pumapayat o bumababa ang timbang. Bumaba din ang kanilang cholesterol at bumuti ang triglyceride levels.
Ginagamit din ang apple cider bilang facial toner, meron kasi itong sangkap na astringent acid kaya nababawasan nito ang pagtanda ng ating mga balat.
Dahil din sa sangkap na ito nako-kontrol nito ang sebum production at na eexfoliate nito ang mga patay na cells sa ating balat. Kung kaya’t maari naring mabili ang apple cider toner sa mga ibat-ibang parmasya.
Hindi lang ito nakagaggamot at nagagamit sa kusina sapagkat maari din itong magamit bilang deodorizer ito ay dahil may kakayahan din itong mag-alis ng mga hindi kaaya-ayang amoy sa ating paligid. Karaniwan din itong ginagamit na panglinis ng mga gulay o prutas dahil may anti-bacterial property ito.
Sa dami ng nagagawa ng Apple Cider Vinegar importante din na alam natin ang limitasyon ng paggamit nito.
Upang makaiwas sa anumang kapahamakan, mahalaga na may kaalaman tayo sa tamang paggamit nito.
Kung iinumin ang likidong ito bilang gamot. Tandaan na isa hanggang dalawang kutsara lang sa isang araw ang nirerekomendang paggamit nito .
Ang Apple cider vinegar ay alternatibo lamang din at hindi maaring ipalit sa anumang gamot. Ang sobrang paggamit nito o mataas na dosage sa katawan ay maaring mauwi sa hindi magandang resulta.
Lalong higit sa lahat , ano man ang mga alternatibong gamitin natin mapa-halamang gamot man ito o anumang uri ng likido, laging nating tatandaan na maging responsable.
COMMENTS