Ang 10 Benepisyo na Makukuha sa Pagkain ng Kalabasa o Squash
Ang gulay na kalabasa o squash sa Ingles ay maituturing na isa sa pinaka-masustansyang pagkain na maaring kapulutan ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan sa pamamagitan lamang ng pagkonsumo nito.
Ang kalabasa ay may natatanging matamis na lasa. Binubuo ito ng mataas ng komposisyon ng antioxidant at potassium, at mababang komposisyon ng carbohydrates at sodium. Kilala rin ito na mayaman sa bitamina, dahil hindi lang laman ng kalabasa ang ginagamit pati na rin ang buto nito ay maaring kainin at kapulutan ng benepisyo sa kalusugan.
Narito ang sampung natatanging benepisyo ng kalabasa sa kalusugan ng isang tao:
1. Problema sa pagtunaw ng pagkain
Mahusay na kaugaliang kainin ang kalabasa kung ang isang tao ay may problema sa pagtunaw ng pagkain dahil ito ay malambot at madaling matunaw. Mayroon itong mucilage na pinoprotektahan ang lining sa tiyan kaya malaya itong makakain ng taong may heartburn o indigestion.
2. Mabisang pagkain para sa mga diabetic
Binubo lamang ng mababang porsyento ng calory, sugar, at carbohydrates ang kalabasa kaya naman pasok ito sa diet ng mga taong may diabetes. Nakatutulong din ito sa pagpapataas ng antas ng insulin sa dugo.
3. Pagpigil sa banta ng anemia
Sa tulong ng kalabasa ay maari ng mapigilan ang banta ng anemia dahil mayaman ito sa iba’t ibang nutrisyon, bitamina, at mineral lalo na kung kakainin ito ng hindi pa naluluto o hilaw.
4. Pinapataas ang antas ng enerhiya sa katawan
Hindi lamang ang prutas na saging ang maaring magpuno ng kakulangan sa enerhiya, napatunayan sa pag-aaral na may higit na dami ng potassium ang kalabasa. Dahil diyan, masasabi na ang kalabasa ay epektibo at masustansyang kahalili sa pagbawi ng enerhiya.
5. Sagot sa hypertension at sakit sa puso
Mabisa ang pagkain ng kalabasa kung may hypertension dahil may mababang komposisyon ito ng sodium at malaki ang tulong sa pagpapababa ng kolesterol sa dugo. Ang buto o binhi ng kalabasa ay nagbibigay ng magnesium na mabuti para sa cardiovascular system.
6. Nililimita ang pag-atake ng hika
Ang pagkakaroon ng mataas ng komposisyon ng antioxidant ng kalabasa ay labis na nakatutulong sa pagprotekta ng respiratory system laban sa mga impeksyon na maaring magdulot ng hika.
7. Epektibong panglaban sa ulser
May kahanga-hangang detoxifying na kakayahan ang kalabasa, isang natural na diuretiko. Ito ay malaki ang ginagampanan upang mapalabas ang toxins at waste disposal sa katawan, dahil dito ay maiiwasan ang ulser.
8. Laban sa stress at depression
Taglay ng kalabasa ang L-trytophan – isang uri ng amino acid na pumupuksa sa stress at depression. Madali nitong napupunuan ang kakulangan ng katawan sa tryptophan, na siya namang nagdudulot ng sintomas ng depresyon sa isang tao. Mahusay din itong gamot pampakalma upang maayos na makatulog.
9. Pinapatibay ang immune system
Isa sa mga taglay na nutrisyon ng kalabasa ay ang beta carotene na may taglay na mataas ng antas ng antioxidant na tumutulong upang patibayin ang immune system para makaiwas sa mga sakit dulot ng pabago-bagong panahon katulad ng ubo at sipon.
10. Pangpalinaw ng mata
Ang isa sa mga natatanging katangian ng kalabasa ay ang pangpalinaw ng mata. Sa tulong ng beta carotene na isinasalin bilang Vitamin A, nakatutulong ito upang mapanatiling malusog ang mata at sa pagkuha ng retina at pagtanggap ng liwanag ng ilaw.
Mag-post ng isang Komento