sa panahon ngayon na nagsusulputan ang hindi mo inaasahan na karamdaman, nararapat lamang na ang pag e-ehersisyo ay inuuna kaysa hanapin ang cellphone
5 Bagay na Dapat Gawin Pagkagising sa Umaga
Karaniwang sinisimulan ang umaga sa pamamagitan ng pagdilat ng mata. At sa panahon ngayon na nagsusulputan ang hindi mo inaasahan na karamdaman, nararapat lamang na ang pag e-ehersisyo ay inuuna kaysa hanapin ang cellphone pagkagising sa umaga. Magandang simulan ang araw na punong-puno ng positibong enerhiya upang may lakas na harapin ang maghapon.
Kaya halina’t alamin kung ano-ano nga ba ang mga bagay na dapat mong gawin pagkagising sa umaga upang kalusugan ay mas lalong gumanda at katawan ay sumigla.
Narito ang limang bagay na maari mong gawing morning habit hanggang sa iyo na itong makasanayan.
1. Gumising ng maaga at magpa-araw
Ang paggising ng maaga ay magandang makasanayan upang mas maging alerto at produktibo ang araw. Isa pa, mas maraming oras ang mailalaan upang magpa-araw.
Ang pagbibilad ng sarili sa araw tuwing bagong gising ay tumutulong upang tumaas ang hormones dahil ang sikat ng araw ay tumutulong upang gisingin ang ating inaantok o nanlalambot na katawan. Ang masiglang katawan ay nagdudulot ng positibong pananaw.
Napatunayan din na ang kakulangan sa sapat na sikat ng araw o liwanag ay maaring magresulta sa mga kinakaharap na problema sa kondisyon katulad depresyon at kakulangan sa enerhiya.
2. Umupo sandal at huwag agad tumayo
Laging itanim sa isipin na pagkagising sa umaga, umulat ang mata, pagkatapos ay dahan-dahang umupo at manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 1-2 minuto. Habang nakaupo, igalaw ng bahagya ang leeg at balikat para ma-stretch.
Ingatan ang sarili, iwasan ang biglaang pagtayo dahil maari itong magdulot ng pagkahilo o pag-collapse. Maari ding maranasan ang pandidilim ng paningin kung biglaang tumayo galing sa matagal na pagkakahiga dahil sa kulang na antas ng dugo sa ulo na tumutulong sa pagbaba ng blood pressure.
3. Uminom ng maligamgam na tubig
Marahil din ay ugaliin na uminom ng 1-2 baso ng maligamgam na tubig bago kumain ng almusal para malinis at mailabas sa pamamagitan ng pag-ihi ang mga dumi sa katawan.
Maganda din ang epekto ng pag-inom ng maligamgam na tubig pagkagising sa umaga sa metabolismo at digestive system. Tumutulong din ito na mailabas ang mga lason sa katawan na bunga ng ating pagtulog.
Maari ding samahan ang maligamgam na tubig ng lemon upang magkaroon ng sapat na dami ng Vitamin C sa katawan.
4. Mag-ehersisyo
Maraming magandang dulot sa kalusugan ang pag e-ehersisyo sa umaga. Ilan na dito ang pagsasaayos ng pisikal at mental na kondisyon ng isang tao.
Sa pamamagitan ng pag e-ehersisyo ay nababawasan nito ang stress hormones katulad ng cortisol at adrenaline. Dahilan din ito na padamihin ang endorphins na siya likas na pangtanggal ng sakit at pampaganda ng pakiramdam. Hindi din maitatanggi na nakatutulong ito sa pagbabawas ng timbang.
5. Kumain ng mga masustansyang pagkain sa almusal
Ang almusal ang pinaka mahalagang pagkain sa buong araw dahil ito ang pangunahing pagkukunan ng enerhiya at sustansya upang maging handa sa kakaharapin na maghapon.
Pinapayo na kumain ng almusal makalipas ang dalawang oras simula pagkagising. Ang mga pagkain na kabilang sa nararapat mong kainin ay itlog, gatas, prutas, at gulay. Mabisa na ang kakainin ay mayaman sa protina at carbohydrate.
COMMENTS