window.addEventListener("load", function(){ window.cookieconsent.initialise({ "palette": { "popup": { "background": "#000" }, "button": { "background": "#f1d600" } }, "position": "bottom-right", "content": { "href": "https://www.dailyfilipinonews.com/p/privacy-policy.html" } })}); 10 Benepisyo ng Luya o Ginger Sa Ating Katawan

10 Benepisyo ng Luya o Ginger Sa Ating Katawan

Narito ang 10 benepisyo na hatid ng halamang gamot na Luya sa kalusugan ng mga tao.

Narito ang 10 benepisyo na hatid ng halamang gamot na Luya sa kalusugan ng mga tao.

10 Benepisyo ng Luya o Ginger Sa Ating Katawan

Ang halamang gamot na Luya o Ginger ay hindi lamang sangkap na nagpapasarap sa mga lutuin, kung hindi isa ding halamang gamot na mayaman sa benepisyo na makatutulong sa katawan at kalusugan ng isang tao. 

Narito ang 10 benepisyo na hatid ng halamang gamot na Luya sa kalusugan ng mga tao:

1. Mayroon itong anti-cancer properties

Ang luya ay nagtataglay ng mataas na bilang ng Phenol, na siya namang tinatawag na Gingerol na tumutulong upang pigilan ang pagkalat ng cancer cells at pagbubuo ng mga bukol sa iba’t ibang parte ng katawan. 

Kaya’t ang mga taglay na katangian ng luya kagaya ng 6-shogaol compound, antiproliferative at antioxidant ay lumalabas kapag pinakuluan ang ugat nito. Mabisa itong panlaban sa pancreatic, colorectal, at liver cancer.

2. Nagtataglay ng kinakailangang amino acids ng katawan

Bukod sa sinasabing nakakatulong ito sa pagsasaayos ng boses ng isang tao, makukuha  din sa pagkonsumo ng luya ang mga amino acids katulad ng Methionine, Lysine, Leucine, Histidine na siya namang hindi kayang natural na ilabas ng katawan.

3. Mayaman sa bitamina at mineral ang luya

Hindi lamang amino acids ang maaring makuha ng isang tao sa pagkonsumo ng luya, mayaman din ang halamang gamot na ito sa bitamina at mineral. Ilan sa mga ito ay ang Vitamin B3, Vitamin B6, Vitamin C, Folate, Iron, Magnesium, Potassium, Phosphorus, at Zinc.

4. Mabisang gamot sa ubo at sipon

Karaniwang dulot ng pabago-bagong panahon ay ang ubo at sipon. Mabisang lunas dito ang luya dahil sa taglay nitong anti-inflammatory properties, sa pamamagitan ng pag-inom ng luya ay mabilis na mapapalabas ang plema na dulot ng ubo. Makatutulong din ito sa pagpapagaan ng pakiramdam na dulot ng sipon.

5. Malaking tulong sa pagpuksa ng diabetes

Ilan sa mga sangkap ng luya ay nakatutulong sa pagpapabilis ng daloy ng metabolismo ng katawan dahilan upang maayos na mailabas ang insulin na nakakaapekto sa taong may diabetes. Napapalakas din nito ang immune system ng katawan na siyang lumalaban sa impeksyon na iniiwasan ng taong may diabetes.

6. Nakatutulong sa pagpapapayat o weight loss

Kagaya ng naunang nabanggit, ang luya ay nakatutulong sa maayos na daloy ng metabolismo sa katawan. Ibig sabihin nito ay mabilis din natatanggal ang mga cholesterol na nagdudulot ng pagtaba ng isang tao.

7. Nababawasan ang pamamaga at pananakit ng muscles

Ang pagkonsumo ng 2 gramo ng luya sa loob ng halos dalawang linggo ay mabisang gawin upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng mga muscles sa katawan.

8. Pangtanggal ng sakit dulot ng dysmenorrhea

Ilang kababaihan ang nakakaranas ng matinding sakit ng puson dulot ng menstruation, isang mabisang remedyo dito ay ang pag-inom ng luya upang maibsan ang sakit na dulot ng dysmenorrhea.

9. Inaayos at pinoprotektahan ang utak laban sa Alzheimer’s disease

Ang luya ay nagtataglay ng antioxidants at bioactive compound na siyang pumipigil sa inflammatory responses na nangyayari sa utak na sinasabing dahilan ng Alzheimer’s disease. Nakakaganda din ng pag function ng utak ang extracts mula sa luya.

10. Nagpapababa ng posibilidad na pagkakaroon ng sakit sa puso

May katangian ang luya na isaayos ang endothelium o lining sa mga ugat. Ang pagpalya o dysfunction ng endothelium ay siyang sanhi ng heart disease na dulot ng kawalan ng kakayahan na magregulate ng blood pressure na magdudulot ng pagbabara sa ugat.  

COMMENTS

Name

Entertainment,520,Food,2,Health,43,News,129,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News | Health and Showbiz Updates : 10 Benepisyo ng Luya o Ginger Sa Ating Katawan
10 Benepisyo ng Luya o Ginger Sa Ating Katawan
Narito ang 10 benepisyo na hatid ng halamang gamot na Luya sa kalusugan ng mga tao.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj7MdpDQfPnvZJl2YoaFU8iE_-uKYykvMhSiIwPTD2nUXJUeiXRjZoPmZUA1ArUHhFIo0k9XlTGakIhiSo60IWO323sv2Ec9E5Giu-BG-Lq4TUkrufvh5scWU3MAWQ-EPtoR1l9RuH_S2IoVRx5DitY6RiXWcv3k9KtMcirzQBFxukN7pUjOrU9NLqH/w640-h442/10%20Benepisyo%20ng%20Luya%20o%20Ginger%20Sa%20Ating%20Katawan.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj7MdpDQfPnvZJl2YoaFU8iE_-uKYykvMhSiIwPTD2nUXJUeiXRjZoPmZUA1ArUHhFIo0k9XlTGakIhiSo60IWO323sv2Ec9E5Giu-BG-Lq4TUkrufvh5scWU3MAWQ-EPtoR1l9RuH_S2IoVRx5DitY6RiXWcv3k9KtMcirzQBFxukN7pUjOrU9NLqH/s72-w640-c-h442/10%20Benepisyo%20ng%20Luya%20o%20Ginger%20Sa%20Ating%20Katawan.jpg
Daily Filipino News | Health and Showbiz Updates
https://www.dailyfilipinonews.com/2022/05/10-benepisyo-ng-luya-o-ginger-sa-ating.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2022/05/10-benepisyo-ng-luya-o-ginger-sa-ating.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy