66 Taong Gulang Na Biyuda Na-Inlove Sa 33 Anyos Na Binata

Usap-usapan ngayon ang lovestory ng magkasintahan na sina Salvacion Navarro na 66 taong gulang at Arjay Riola na 33 taong gulang dahil sa agwat ng kanilang edad

Usap-usapan ngayon ang lovestory ng magkasintahan na sina Salvacion Navarro na 66 taong gulang at Arjay Riola na 33 taong gulang dahil sa agwat ng kanilang edad.

Kahit 33 taon ang agwat ng kanilang edad ay pinatunayan nila na ang pag-ibig ay walang pinipiling edad at hindi kailanman ito naging hadlang sa kanilang relasyon. Apat na taon ng biyuda si Sally at hindi niya aakalain na may darating pang lalaki sa buhay niya na magpapatibok ng kanyang puso.

Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang nakita ni Arjay Riola ang isang bidyo ni Sally sa Tiktok at nagdesisyon itong i-follow siya. May pagkakahawig daw kasi ito sa bakitang aktres na si Chanda Romero kaya nagka-interes ito kay Sally.

Nag-follow back naman si Sally at doon na sila nagsimulang mag-usap at mag-chat. Nagulat naman si Sally ng tinanong siya ng binata kung pwede ba siyang manligaw. Medyo nag-alangan noon si Sally dahil masyadong maaki ang agwat ng kanilang edad pero sa huli ay binigyan naman niya ito ng chance para makilala pa.

Matapos ang ilang linggong pagcha-chat nila at v𝔦deo call ay sinagot siya ni Sally noong February 16 2021.

Inamin ng dalawa na noong una daw ay marami ang natanggap nilang mga negatibong kumento mula sa mga netizens at gusto na sana nilang itigil ang kanilang relasyon pero pinatunayan ni Arjay na hindi pera ang habol niya kay Sally dahil may trabaho naman ito.

Aniya, "Noong unang-una medyo apektado ako, parang gusto ko ng huminto nun. Sinasabi nilang, pera-pera lang yan, sugar mommy, ganun daw. Allowance reveal, weekly or monthly. Ano kayo? 'Mag-nanay o mag-lola?' kwento ni Sally.

"Hindi ako materyosong tao, wala akong hinihinging ibang kapalit kundi yung mahalin ko siya at mahalin niya ako," pahayag naman ni Arjay.

Kahit marami silang natatanggap na mga negatibong kumento sa mga content na pino-post nila sa kanilang social media ay marami naman positibong kumento ang natanggap nila mula sa mga netizens at fans nila.

Ito ang mga ilang kumento ng mga netizens:

"No problem as long as true love ang nararamdaman nila..ano naman ang sa atin dun. Buhay nila yan. Respect na lang natin ang happiness nila."

"Basta ang importante walang inaapakan na tao, intindihin nalang natin ang relasyon nila basta sila ay n𝔞gmam𝔞halan silang dalawa."

"Basta't wala silang sinasaktang tao or inaapakan walang problema. Masarap ma in love kung alam mong pareho kayong malaya sa mga responsibilidad sa ibang tao. Binata si kuya? Single naman si mommy? Well why not! Everyone has the right to be happy naman."

"Age doesn't matter.. What matters is to be love and to love. As long as nagmamahalan sila masaya sila bilang sila at hinde sila nakakaperwisyo ng kapwa go go lng ang bawat isa satin ay my karapatan lumigaya sa taong nagbibigay ng saya satin. We only live once in this world kaya dapat ay maging masaya tayo. Basta importante ay hinde tayo makakalimot sa ating mahal na ama sa itaas. Dahil siya lang ang magbibigay na kalakasan satin."

Samantala, marami din naman celebrity couples ang malaki din ang agwat ng kanilang edad tulad nila Vic Sotto at Pauleen Luna, Freddie Aguilar at Jovie Albao, Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco, Hayden Kho at Vicki Belo, Dionisia Pacquiao at Michael Yamson, Beauty Gonzales at Norman Crisologo at marami pang iba pero hindi naging hadlang ito sa kanilang pagmamahalan.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma