Cristy Fermin, trend𝔦ng sa Tw𝔦tter dahil sa post ni Kylie Padilla.

Hindi napigilan maglabas ng sama ng loob sa kanyang socmed ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga patutsada sa kanya ng showbiz colum...

Hindi napigilan maglabas ng sama ng loob sa kanyang socmed ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga patutsada sa kanya ng showbiz columnist na si Cristy Fermin. Sa isang episode ng 'CRISTY FERMINUTE' noong October 20, 2021, sinabi nito na meron laging kausap si Kylie sa kanyang telepono kahit sila pa ni Aljur.

"Kung natatandaan niyo po mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga yung laging may kausap sa garden, naalala mo yun?, kahit na madaling araw. Meron siyang kausap sa phone, bumababa siya, kahit sa kusina ganun, meron siyang kausap."

"Natural hindi naman patay na lukan si Aljur, lalaki yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay. Meron nagaganap sa kabila noong sila pa ang magkasama." 

Image via One PH

"Yun po yung kwento noon na sa garden, sa kusina at tsaka yung ikinukwento nung source na galing din sa kanila, umalis na nga lang sa kanila na kapag dumarating daw si Aljur at magluluto ng pagkain yung kanilang kasambahay, sasabihin, 'Wag ka ng magluto, hayaan mo siyang magutom hindi naman siya ang gumagastos dito sa bahay."

"Meron din source na nagkwento sa atin diba na madalas magpunta si Kylie sa Pampanga, sa kanyang ina, nandun kasi noon si Liezel at tsaka yung mga tita niya."

"Kapag bumabalik si Kylie iba na yung kanyang ugali, parang ganun."

"Sa pagkakaalam po namin, kung paniniwalaan namin ang isang source na talagang nagsabi samin noon kung sino talaga yung hinihinalang lalaki na kasama ng𝔞yon ni Kylie. Gusto po namin manggaling ito kay Kylie at Aljur although alam po namin yung pagkakakilanlan nung lalaki. Pero mas maganda sa kanilang dalawa manggaling ito," dagdag pa ni Cristy.

Binura na ng Kapuso actress ang kanyang post sa socmed laban kay Cristy.

Image via Kylie Padilla

"Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nag-titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin. GROW UP. Ang tatanda niyo."

"At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa sarili nyo."

Kamakailan lamang ay binasag ni Aljur ang kanyang katahimikan matapos mag-post ito sa kanyang socmed patungkol sa kanyang dating asawa. Ayon sa kanyang post sana raw ay sabihin na ni Kylie ang katotohanan kung sino ang unang nagloko sa kanilang dalawa at kung sino ang sumira sa kanilang pamilya.

Samantala, trending ngayon sa Twitter si Cristy Fermin matapos maglabas ng sama ng loob si Kylie laban sa kanya sa kanyang socmed na ngayon ay burado na.

COMMENTS

Name

Entertainment,498,Food,2,Health,25,News,124,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Cristy Fermin, trend𝔦ng sa Tw𝔦tter dahil sa post ni Kylie Padilla.
Cristy Fermin, trend𝔦ng sa Tw𝔦tter dahil sa post ni Kylie Padilla.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgKz-osNKxOvk4ArL4r4_odP8OpDrqh76krNmXCJbAYZioVqZs9plkN5LHqffmDvNQsno5O2ChfWtSTklOWrIlYxK2wCVEXZ8qA1X0Vk328ZprxdVjjlGZiVrK-gHk4OGpYpgQvHk9aMyGDCug2YeD-QbTddcH2kpSlbtpZ4VFjP_Ov8cLY-u0U6sBf=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgKz-osNKxOvk4ArL4r4_odP8OpDrqh76krNmXCJbAYZioVqZs9plkN5LHqffmDvNQsno5O2ChfWtSTklOWrIlYxK2wCVEXZ8qA1X0Vk328ZprxdVjjlGZiVrK-gHk4OGpYpgQvHk9aMyGDCug2YeD-QbTddcH2kpSlbtpZ4VFjP_Ov8cLY-u0U6sBf=s72-w640-c-h360
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/10/cristy-fermin-trendng-sa-twtter-dahil.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/10/cristy-fermin-trendng-sa-twtter-dahil.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy