Mga Kapuso leading ladies na gusto ng mga netizens para kay John Lloyd Cruz.

Madami ng nakaka-miss dahil mahigit limang taon din nagpahinga ang aktor na si John Lloyd Cruz sa showbiz.  Ang huling proyekto niya bilang ...

Madami ng nakaka-miss dahil mahigit limang taon din nagpahinga ang aktor na si John Lloyd Cruz sa showbiz. 

Ang huling proyekto niya bilang artista ay noong gumawa sila ng pelikula ni Sarah Geronimo noong 2017 na 'Finally Found Someone'. 

Pagkatapos noon ay hindi na siya napanood sa telebisyon. Madami din nagulat noong napanood nila ang video na magkasama sila ni Ellen at yun pala ang dahilan kung bakit nagpahinga siya sa showbiz para makasama si Ellen. 

Nagkaroon sila ng isang anak na si Elias pero hindi rin tumagal ang relasyon nila. 

Sa isang episode naman ng Wowowin noong May 19, ibinahagi ni Willie Revillame na nagkasama sila ni JL sa Puerto Galera at nagkaroon sila ng heart to heart talk. Tinanong daw siya ni Willie kung ano bang dahilan nang paghinto niya sa showbiz. 

"Burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw araw. Pag gising ko, shooting. Pag tulog ko, pag gising ko, shooting. Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo eh."

Samantala, excited na ang mga fans ni John Lloyd sa nababalitang paglipat niya sa Kapuso network. Pumirma na ng kontrata si JL sa Crown Artist Management pero wala pang kumpirmasyon na isa na siyang ganap na GMA-7 exclusive talent. 

Kabilang sa mga leading ladies na gustong makatambalan ng mga fans ni John Lloyd ay sina Andrea Torres at Jennylyn Mercado. 

Sa isang interview kay Andrea ni Nelson Canlas ay sinabi niya na excited at isang malaking karangalan daw siyang makatrabaho si JL dahil napakagaling daw nitong aktor. 

May pina-plano din na sitcom si Willie Revillame para kay John Lloyd at si Andrea ang gusto nitong maging leading lady. 

Madami din fans na nakikita ang magandang chemisty nila ni Jennylyn Mercado dahil pareho daw silang kalog. Nagkasama na rin sila dati sa isang pelikula na 'Just the 3 of Us'. May iba din naman na nagsasabi na bag𝔞y din sila ni Sanya Lopez. 

Mapapanood sina John Lloyd at Jennylyn Mercado sa Shopee 6.6 mega fiesta sa Araneta Coliseum ng𝔞yong darating na linggo na ipapalabas sa GMA pagkatapos ng All Out Sundays.

COMMENTS

Name

Entertainment,237,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Mga Kapuso leading ladies na gusto ng mga netizens para kay John Lloyd Cruz.
Mga Kapuso leading ladies na gusto ng mga netizens para kay John Lloyd Cruz.
https://1.bp.blogspot.com/-MXiFqyR9OsA/YLcgJaEgcpI/AAAAAAAAGrY/eCWsR9VXevQFzEdEbFiOO_72tJZu4EoSACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B%252813%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-MXiFqyR9OsA/YLcgJaEgcpI/AAAAAAAAGrY/eCWsR9VXevQFzEdEbFiOO_72tJZu4EoSACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B%252813%2529.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/06/mga-kapuso-leading-ladies-na-gusto-ng.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/06/mga-kapuso-leading-ladies-na-gusto-ng.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy