Snooky Serna at Ricardo Cepeda, masaya sa kani-kanilang mga kinakasama.

Madaming natutuwa ngayon dahil nakikita nilang blooming at masayang masaya si Snooky Serna sa kanyang lovelife.  Nabigo man ng dalawang bese...

Madaming natutuwa ngayon dahil nakikita nilang blooming at masayang masaya si Snooky Serna sa kanyang lovelife. 

Nabigo man ng dalawang beses ang kasal ay unti unti siyang nakamove on at nakahanap ng magpapatibok muli ng kanyang puso. 

Akala niya noon ay magiging single na siya habang buhay kasama ang dalawa niyang anak na babae. Una siyang ikinasal sa aktor na si Ricardo Cepeda noong 1992 at biniyayaan sila ng dalawang anak.

 Sa isang interview sa kanya dati ni John Lapuz sa Showbiz Central inamin ni Snooky na naghiwalay sila ni Ricardo dahil meron silang problema na hindi nairesolba at ito ay tungkol sa usaping pera.

Hindi na nagbigay pa ng impormasyon si Snooky dahil masyado na daw itong personal pa. Meron silang dalawang anak na babae na sina Samantha at Sachi. 

Image via snookyserna4466 IG

Kinasal din si Snooky kay Nino Mendoza pero hindi naging maganda ang pagsasama nila dahil hindi boto ang pamilya ni Nino kay Snooky kaya naapektuhan ang kanilang relasyon hanggang mauwi din sa hiwalayan. 

Kahit 55 na ang edad ni Snooky ay hindi pa huli para umibig. In a relationship siya ngayon sa dating Vice Governor ng Bulacan na si Ramon Villarana. 

Magkakilala na sila ng halos tatlong dekada pero ngayon palang sila talaga nagka-ibigan. 5 taon din naging single si Snooky bago siya umibig muli. 

Tulad ni Snooky ay hiwalay din si Ramon sa asawa at may dalawa din siyang anak sa dati niyang kinakasama. Masaya naman ang mga anak nila sa relasyon nilang dalawa dahil kita daw ang kilig at saya nila kapag magkasama. 

Image via snookyserna4466 IG

Samantala, masaya naman ang pagsasama ng ex-husband ni Snooky na si Ricardo Cepeda at ang dating model at beauty queen turned actress na si Marina Benipayo na isang dekada na ngayong taon.

Meron din dalawang anak na lalaki si Marina sa dati niyang kinakasama. Mid 80's pa sila magkakilala at nagsasama na sila noon sa pagmo-model. Sumali si Marina sa Bb. Pilipinas pageant noong 1992 kung saan nauwi niya ang titulong Bb. Pilipinas Maja International. 

Mahigit tatlong dekadang walang komunikasyon sina Ricardo at Marina pero nagulat na lamang sila noong nagkasama sila sa isang drama TV series na 'My Binondo Girl' na pinagbidahan ni Kim Chiu at Xian Lim. 

Image via marina_benipayo IG

Dito na nag-umpisa ang pagmamahalan nang dalawa hanggang magdesisyon na silang magsama at ipakilala ang isa't-isa sa kanilang mga anak. 

Naging malapit ang mga anak nila sa isa't-isa at magkakapatid na ang turingan ng mga ito. Sa sampung taon nilang pagsasama ngayong taon ay hindi pa sila pwedeng ikasala dahil hindi parin annul ang kasal ni Marina sa dati niyang asawa. Hindi naman ito naging problema kay Ricardo basta masaya sila at nagmamahalan.

COMMENTS

Name

Entertainment,243,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Snooky Serna at Ricardo Cepeda, masaya sa kani-kanilang mga kinakasama.
Snooky Serna at Ricardo Cepeda, masaya sa kani-kanilang mga kinakasama.
https://1.bp.blogspot.com/-CVbOLtlpFJ0/YKyeWdxsj1I/AAAAAAAAGmE/V3xJ2121pwE_SiPzXBFTlI2G-8vZiBUBwCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-25T145052.641.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CVbOLtlpFJ0/YKyeWdxsj1I/AAAAAAAAGmE/V3xJ2121pwE_SiPzXBFTlI2G-8vZiBUBwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-25T145052.641.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/snooky-serna-at-ricardo-cepeda-masaya.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/snooky-serna-at-ricardo-cepeda-masaya.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy