Sarah Lahbati, paano siya naging close at ano bang first impression niya kay Annabelle Rama.

Kilalang kilala si Annabelle Rama sa pagiging prangka at kapag narinig mo ang pangalan niya ay yun ang unang pumapasok sa isipan ng bawat ta...

Kilalang kilala si Annabelle Rama sa pagiging prangka at kapag narinig mo ang pangalan niya ay yun ang unang pumapasok sa isipan ng bawat tao. Tinanong ang kanyang manugang na si Sarah Lahbati kung ano ang unang impresyon niya kay Annabelle at paano sila naging close nito.

"My tip would be to, not judge a book by it's cover, kasi nga we all know Tita Annabelle na masungit, mataray, this this this, but for me the more I got to know her the more I was patient and quiet. 

"Kasi you have the option na sabayan mo yung level ng ingay niya. Being patient, quiet and listening pays off kasi nga you get to know a person more. Katulad kay Tita, akala ko din nakakatakot siya, masungit, maingay." saad ni Sarah.

"Yes sometimes she's still maingay pero more than anything, napaka-thoughtful niya, napakabait kasi minsan magpapadala sa bahay ng kung anu-ano. "

Image via Maganda Buhay

"Hindi naman namin binanggit na kailangan ng ganito, ganyan, magpapadala ng pagkain. Minsan magpapadala ng kurtina, yung mga bagay na naaalala niya na kailangan sa bahay. She is sweet in that way," dagdag pa ni Sarah sa interview sa kanya ng LionHeart."

Sa interview naman kay Annabelle sa Magandang Buhay, tinanong siya noon kung ano ang masasabi niya kay Sarah bago sila ikasal.

"Ang advice ko sa kanya kung gusto niyo magtagal ni Richard, wag na siya magseselos tapos pag mainit ang ulo ng isa dapat magpasensiya na siya para magtagal. Wag niyang salubungin ang init ng ulo, yun ang sinasabi ko palagi kay Sarah."

Nagkakilala sina Richard at Sarah noong 2012 na kung saan ay nagsama sila sa isang serye sa telebisyon na pinagbibidahan nila na 'Makapiling Kang Muli' ng GMA Network. 

Image via sarahlahbati IG

Nagkaroon sila ng pagtingin sa isa't-isa bago pa sila magtaping hanggang sa niligawan na ni Richard si Sarah. Kinasal sila noong March 14, 2020 sa Shangri-la at the Fort sa Bonifacio, Global City. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki na si Zion at Kai.

Kaka 3 years old lamang ni Kai ngayong taon at ayon kay Sarah ay napadaldal na daw nito at mahilig siya sa basketball. Si Zion naman ay 8 years old na ngayon taon at mahilig naman daw ito sa arts, music at reading.

Pagdating naman sa pag-uugali ay mas namana daw ni Zion ang Lahbati side dahil tahimik lamang daw ito kumpara kay Zion na talagang Rama-Gutierrez na may pagka-jolly at medyo maingay.

Image via sarahlahbati IG

"Si Zion naman siyempre meron siyang personalities of Richard, lalo na ngayon we are all getting into motocross as a family, it's something that Chard loves doing. Zion is more like me and Kai is more like Chard."

Nasa Pilipinas ngayon ang ina ni Sarah at nasa Switzerland naman ang kanyang ama pero araw araw daw silang nag-uusap. Unang nakilala si Sarah noong nanalo siya sa artista search ng GMA na Starstruck V at siya ay half Filipino-Moroccan.

COMMENTS

Name

Entertainment,388,Food,2,Health,23,News,99,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Sarah Lahbati, paano siya naging close at ano bang first impression niya kay Annabelle Rama.
Sarah Lahbati, paano siya naging close at ano bang first impression niya kay Annabelle Rama.
https://1.bp.blogspot.com/-weJ6zLZ1eVk/YKMnHKublgI/AAAAAAAAGgA/fVdN9322iCgyyDmULqNUFw5myUB1IqcZgCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-18T103119.009.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-weJ6zLZ1eVk/YKMnHKublgI/AAAAAAAAGgA/fVdN9322iCgyyDmULqNUFw5myUB1IqcZgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-18T103119.009.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/sarah-lahbati-paano-siya-naging-close.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/sarah-lahbati-paano-siya-naging-close.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy