Ruffa Gutierrez, masaya bilang single mom basta kasama ang mga anak.

Nobyember 2020 noong naghiwalay si Ruffa Gutierrez at ang kanyang French-Israeli ex boyfriend na si Jordan Mouyal na isang businessman. Ang ...

Nobyember 2020 noong naghiwalay si Ruffa Gutierrez at ang kanyang French-Israeli ex boyfriend na si Jordan Mouyal na isang businessman. Ang kanyang pamilya ay naninirahan sa France at double-Masters degree holder ito sa Engineering. Inamin ni Ruffa sa isang virtual conference ng isang series sa TV5 noon na ang anim na taon nilang relasyon ay nagwakas na.

Masaya na daw siya ngayon bilang single mom at para daw siyang nabunutan ng tinik noong naghiwalay sila ni Jordan. Matatandaan din na hindi boto ang kanyang ina na si Anabelle Rama kay Jordan pero ginawa naman daw nila lahat para maipakita ang kanilang tunay na pagmamahalan.

Image via jordanmouyal IG

Wala na din muna siya ngayon balak makipagrelasyon at gusto niya munang magfocus sa kanyang trabaho at mga anak. Kinasal siya kay Yilmaz Bektas na isang Turkish businessman noong 2003 pero naghiwalay din noong 2007. Biniyayaan sila nang dalawang anak na babae na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran. 

Mukhang hindi parin nahahanap ni Ruffa ang lalaking magmamahal at makakasama niya habang buhay. 

Kabilang sa mga aktor na nakarelasyon niya ay sina Zoren Legaspi, Aga Muhlach at John Lloyd Cruz. Lahat naman daw ng mga nakarelasyon niya dati ay wala siyang sama ng loob sa kanila, sa katunayan ay madami daw itong natututunan sa bawat lalaking nakarelasyon niya. 

Napasaya din naman daw siya ng mga ito noon at kailangan lamang talaga mag move-on na dahil darating din ang tamang lalaki para sa kanya. 

Image via iloveruffag IG

Kung sakaling handa na ang puso niya muli na umibig ay sisiguraduhin daw nito na yun na ang kanyang forever dahil ilang taon na lamang ay mag 50 na siya.

Sa inteview naman sa kanya sa magandang buhay, tinanong siya ni Karla kung meron paba siyang balak magkaboyfriend.

"Alam mo ang puso kasi hindi natuturuan e, hindi mo naman kailangan sabihin na ituro yun na, 'ay kailan ka pwedeng umibig, diba, one year from now, one day from now. It's really something na hindi mo makontrol."

"Actually si Jordan, he came in my life when I least expected it, alam mo yung tipong wala kang pake, wala kang hinahanap."

"3 years na akong single noon and my friend said, uy Ruffy halika miss ka na namin, I just arrived from the States, bagong ligo, no make up, no kilay and then I just went to have dinner with them. Andun si Jordan, he was here visiting from Paris. That's it chika kami ng chika until nadevelop na. Instead of 3 days siyang nag-stay dito nagstay siya ng 11 days."

COMMENTS

Name

Entertainment,243,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Ruffa Gutierrez, masaya bilang single mom basta kasama ang mga anak.
Ruffa Gutierrez, masaya bilang single mom basta kasama ang mga anak.
https://1.bp.blogspot.com/-sPPjO4fO63c/YJXttB32TcI/AAAAAAAAGV0/LAHugdsvnmIEXMaG3CpeCBx5AItS-cpDACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-08T094721.041.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-sPPjO4fO63c/YJXttB32TcI/AAAAAAAAGV0/LAHugdsvnmIEXMaG3CpeCBx5AItS-cpDACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-08T094721.041.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/ruffa-gutierrez-masaya-bilang-single.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/ruffa-gutierrez-masaya-bilang-single.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy