Lucy at Richard Gomez, may balak paba sundan si Juliana?

Mahigit dalawang dekada nang kasal ang celebrity couple na sina Lucy at Richard Gomez at nag-iisa lamang ang kanilang anak na si Juliana Mar...

Mahigit dalawang dekada nang kasal ang celebrity couple na sina Lucy at Richard Gomez at nag-iisa lamang ang kanilang anak na si Juliana Marie Beatriz. 

Ipinanganak ito noong September 8, 2000 at 20 na ang edad niya. Binalikan ni Lucy ang mga alaala niya kasama ang anak noong bata pa ito. 

"When she was little, and we’d say our bedtime prayers together, I would ask her to help me pray for a baby brother or sister for her. She would listen intently, wide-eyed, nodding as if in agreement, then she would break into smile and say gently but firmly ‘Mama, dog nalang’."

Sinabi din ni Lucy na hanggang noong 17 si Juliana ay kasama nila ito sa isang kwarto.

Image via lucytgomez IG

Isiniwalat naman ni Richard na gusto niyang bigyan ng kapatid si Juliana pero nagdadalawang isip daw si Lucy tungkol dito. 

Dati na nilang pinag-usapan ang mga iba pagpipilian gamit ang siyentipikong pamamaraan na IVF at surrogacy. Baka daw kasi makuha ng bata ang ugali ng surrogate mom. Si Lucy ay 46 na ang edad at 55 naman si Richard.

Samantala, mukhang wala pang balak pasukin ni Juliana ang mundo ng showbiz dahil mas pipiliin daw nito ang pagiging isang varsity athlete at manlalaro para sa Pilipinas kesa sa pag-aartista. Sa isang interview ni Nelson Canlas sa mag-ina ay sinabi niya na prayoridad muna niya ang pag-aaral. 

"At the most, before entering college, I really wanted to take mass communication. I wated to look into working behind the scenes, I wanted to take up film. Those were things that interested me. So if ever I entered showbusiness, it would be towards that direction, not being in front the camera," pahayag ni Juliana.

Image via Richard Gomez IG

"I never wanted to go abroad, because I had dreams of becoming a varsity athlete also in college, and eventually representing my country in whatever sports that I want to play," dagdag pa ni Juliana.

Nirerespeto naman ng mag-asawa ang gustong tahakin ng kanilang anak. Ayaw din nila itong diktahan kung ano ang gusto niya dahil baka magrebelde daw ito kaya kung saan siya masaya ay suportado siya ng mga ito.

Isa sa mga hilig na sports ni Juliana ay ang volleyball at fencing. Kasalukuyan siya ngayon nag-aaral sa University of the Philippines sa kursong Public Administration. Sa U.P din nakapagtapos ng pag-aaral si Lucy at Richard kaya mas pinili ng kanilang anak na doon na din mag-aral.

COMMENTS

Name

Entertainment,390,Food,2,Health,23,News,101,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Lucy at Richard Gomez, may balak paba sundan si Juliana?
Lucy at Richard Gomez, may balak paba sundan si Juliana?
https://1.bp.blogspot.com/-Q4K69q8rK9o/YKm3SrGwUoI/AAAAAAAAGj8/vw2D13CyBbUZ0cl_WXUB65GexXRiYYxgACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-23T100028.085.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Q4K69q8rK9o/YKm3SrGwUoI/AAAAAAAAGj8/vw2D13CyBbUZ0cl_WXUB65GexXRiYYxgACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-23T100028.085.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/lucy-at-richard-gomez-may-balak-paba.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/lucy-at-richard-gomez-may-balak-paba.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy