Kristine at Oyo Boy Sotto, mas lalo pang naging matatag ang samahan.

Isa sina Kristine at asawa na si Oyo Boy Sotto sa mga hinahangahan ngayon pagdating sa 'Family Goals'.  Kitang kita kasi sa mga lara...

Isa sina Kristine at asawa na si Oyo Boy Sotto sa mga hinahangahan ngayon pagdating sa 'Family Goals'. 

Kitang kita kasi sa mga larawan na ibinabahagi nila sa kanilang mga socmed ang saya nila pag magkakasama sila. 

Bukod pa dito ay biniyayaan din sila ng mga nagga-gwapuhan at nagga-gandahan na mga anak. 

Masasabing matatag ang pagsasama nilang mag-asawa sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay. 

Bago pa man naging mag-asawa ang dalawa ay alam naman natin na kinasal dati si Kristine sa aktor at matinee idol na si Diether Ocampo pero hindi naging maganda ang pagsasama nilang dalawa hanggang mauwi sa hiwalayan noong 2009. 

Sa kabila ng bigong relasyon ay wala naman daw pagsisisi si Diether na pinakasalan niya si Kristine at magkaibigan parin naman sila ngayon. 

Masaya na ngayon si Kristine sa piling ni Vittorio Mari Bonnevie Sotto o mas kilala bilang Oyo Boy Sotto. Kinasal sila noong 2011 at binayayaan sila ng apat na anak. Sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns at Marvic Valentin. 

Masusundan na rin ng isa pang baby boy ang kanilang pamilya dahil inanunsyo ng mag-asawa noong Marso 23 ang gender nito sa pamamagitan ng kanilang socmed. 

Dalangin daw nila noon ay sana raw babae ito para narin may kalaro ang nag-iisang anak nilang babae na si Ondrea pero tatanggapin daw nila ito ng buong puso.

Image via khsotto/osotto IG

"Thank you Lord! We were really praying for a girl, pero ito ang binigay ng Panginoon. Babae man o lalaki, we are more than grateful to God. He knows and controls everything," saad ni Oyo.

Samantala,natutuwang ikinuwento dati ni Oyo kung paano siya nag propose kay Kristine, ayon sa kanya ay sa bahay daw ng kapatid niya siya nag propose.

"Nandoon 'yung ibang friends namin. Mostly mga pinsan. Meron lang kaming parang maliit na gathering. It was Kristine's birthday that night. Wala siyang idea na magp-po-propose ako noong gabing 'yon."

"Noong pagluhod ko, hindi nga umiyak, biglang tumakbo. Umalis doon sa kwarto so akal ko hindi ako sasagutin. Hindi ako makatayo, nakaluhod ako. Sabi ko sa kanya, Will you marry me?, tapos tumabok siya sa labas ng kwarto," natatawang pagbabahagi ni Oyo.

Image via khsotto/osotto IG

Naisip ni Oyo na parang hindi pa yata ready si Kristine magpakasal pero ilang segundo lamang daw ang nakalipas ay bumalik siya at umiiyak na sabi "Oo na, oo nga, magpapakasal na," dagdag pa ni Oyo. Nagdiwang sila ng kanilang 10th anniversary noong January 12, 2021. May simple at sweet naman na mensahe si Kristine para kay Oyo.

"Kahit saan, kahit kelan at kahit pa mukang bruha ang buhok ko. basta kasama ka."

COMMENTS

Name

Entertainment,237,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Kristine at Oyo Boy Sotto, mas lalo pang naging matatag ang samahan.
Kristine at Oyo Boy Sotto, mas lalo pang naging matatag ang samahan.
https://1.bp.blogspot.com/-itWiyufvmZ0/YJaQDYsT8VI/AAAAAAAAGXQ/ZKor0UQ8d-UJK_TmoUbUM8LKa1ejPkw6gCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-08T211932.594.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-itWiyufvmZ0/YJaQDYsT8VI/AAAAAAAAGXQ/ZKor0UQ8d-UJK_TmoUbUM8LKa1ejPkw6gCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-08T211932.594.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/kristine-at-oyo-boy-sotto-mas-lalo-pang.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/kristine-at-oyo-boy-sotto-mas-lalo-pang.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy