Jean Garcia, hindi halatang 51 na ang edad.

Single pa din ang status ng kapuso aktres na si Jessica Anne Rodriguez o mas kilala bilang Jean Garcia. Nagmula siya sa Angeles, City Pampan...

Single pa din ang status ng kapuso aktres na si Jessica Anne Rodriguez o mas kilala bilang Jean Garcia. Nagmula siya sa Angeles, City Pampanga. 

Nakilala siya bilang Madam Claudia Buenavista sa orihinal na bersyon ng Pangako Sa 'Yo kasama sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa at Eula Valdez. 

Labing tatlong taon din siyang nagtrabaho sa ABS-CBN at nagdesisyon siyang lumipat sa Kapuso network noong 2006 at talagang alaga siya ng GMA dahil napakadaming shows ang binibigay sa kanya. 15 na taon na siya ngayon bilang kapuso simula noong lumipat siya noong 2006. 

Image via chic2garcia IG

Siya ay 51 na ngayon pero hindi mo mahahalata sa bata ng kanyang hitsura. Madaming nagsasabi sa kanyang mga tagahanga sa kanyang socmed na mukha lamang siyang late 30's at early 40's. Dahil na din sa pormahan niya ay nagmukha talaga itong bagets. Para lamang din daw niyang kapatid ang kanyang panganay na anak na si Jennica.

2014 noong naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na businessman pero ngayon ay single pa din siya pero hindi niya masyadong prayoridad ang pagkakaroon ng boyfriend at pakikipagrelasyon. 

Meron naman daw na iniimbitahan siyang makipag-date at ilan daw dito ay mas bata sa kanya kaya hindi niya ito masyadong ine-entertain dahil madalas ay hindi daw sila masyadong seryoso sa buhay at hindi pa ready mag-settle down.  Kung makikipag-date man daw ito ay mas prefer niya yung ka-edad lamang niya.

Image via chic2garcia IG

Dahil may apo na siya sa kanyang anak na si Jennica at manugang na si Alwyn Uytingco ay mas nakatuon daw ang pansin niya sa mga ito. 

May isa rin anak si Jean sa dati niyang nakarelasyon na Hapon na si Kotaro Shimizu. Nakilala ni Jean ang isang Japanese advertising executive noong nagtatrabaho pa siya sa Japan bilang singer sa isang hotel. 

Dahil nga may sariling pamilya na rin ang panganay niyang si Jennica ay madalas ay mas kasama niya si Kotaro lalo na kapag lumalabas sila at pumupunta ng mall. 

Madami naman nakapansin sa anak niya dahil sa angkin nitong kagwapuhan at pwede daw itong mag-artista. 

Image via _kotaroshimizu IG

Matatandaan noon na inamin ni Jean na hindi siya nakakatanggap ng financial support sa ama ni Kotaro kaya siya ang nagpalaki dito mag-isa. 

Naghiwalay ang dalawa dahil gusto daw ng Hapon na tumira sa Japan si Jean pero hindi daw ito gusto ni Jean dahil hindi daw niya makita niya ang sarili niya na naka-kimono at nasa bahay lamang kaya hindi ito sumang-ayon sa gusto niya. 

Hindi naman niya ipinagkakait ang anak niya kung gusto man siyang makita ng kanyang ama.

COMMENTS

Name

Entertainment,405,Food,2,Health,23,News,108,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Jean Garcia, hindi halatang 51 na ang edad.
Jean Garcia, hindi halatang 51 na ang edad.
https://1.bp.blogspot.com/-IkUco5OULsk/YJiSmfWMPII/AAAAAAAAGX4/WhsK1zHl6H0Vfcz0d-fiRV6QqnqvfyMVACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-10T095523.328.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-IkUco5OULsk/YJiSmfWMPII/AAAAAAAAGX4/WhsK1zHl6H0Vfcz0d-fiRV6QqnqvfyMVACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-10T095523.328.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/jean-garcia-hindi-halatang-51-na-ang.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/jean-garcia-hindi-halatang-51-na-ang.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy