Jake Ejercito, single na ng 5 taon at wala munang balak magkalove-life.

Mapapansin sa mga post ni Jake Ejercito sa kanyang IG na halos lahat ng larawan na ibinahagi niya ay madalas kasama niya ang kanyang anak na...

Mapapansin sa mga post ni Jake Ejercito sa kanyang IG na halos lahat ng larawan na ibinahagi niya ay madalas kasama niya ang kanyang anak na si Elie. May mga pabiro at nakakatawang kumento sa isang larawan na ipinost ni Jake. 

Sabi ni @iamredtaylor: "Willing po ako maging Nanay ni Ellie."

Sabi ni @ampongfritzie: "Wow..grabe proud daddy sana lahat ganyan tulad mo binibigyan mo nang oras yong anak mo kahit kayo lang."

Sabi naman ni @trishzareno: "Parang gusto ko mag apply maging mommy ni ellie."

Balik Siargao muna ngayon si Elie dahil may taping si Jake para sa teleserye na 'Marry Me, Marry You' kasama sina Janine Gutierrez at Paolo Avelino. Makakasama rin dito ang bagong kapamilya na si Sunshine Dizon na naging kapuso ng 25 taon.

Image via unoemilio IG
Noong Mother's Day ay sinulit na ni Jake ang bonding nilang mag-ama dahil kinabukasan ay flight na ni Elie papuntang Siargao para makapiling ang ina at mga kapatid nito. 

Si Jake ang naghatid sa kanya sa airport, mahigpit na yakap at halik ang binigay niya sa kanyang anak bago ito umalis dahil siguradong mamimiss nila ang isa't-isa. 

Ibinahagi din ni Jake ang nakakatawang long distance relationship nila ni Ellie. Sa kanyang socmed, makikita ang isang screenshot ng usapan nilang dalawa. Kinumusta ni Jake si Elie pero ang sagot lamang nito ay 'Good'. Tinanong muli siya ni Jake na 'What else can you say apart from good?' Nagreply muli si Elie ng 'Good' kaya napa 'HAYNAKO' na lamang si Jake.

Image via Jake's Tw𝔦tter 

Samantala, limang taon na rin single si Jake at sa ngayon ay wala siyang dine-date. Focus muna daw ito sa kanyang anak at sa kanyang trabaho lalo na ngayon na isa na siyang talent ng ABS-CBN at meron din siyang bagong teleserye. 

Dahil na din sa pandemya ay wala din daw siyang chance na makipag-date ngayon at hindi naman siya nagmamadali. 

Naniniwala din siya na darating din ang time na mahahanap niya ang babaeng para sa kanya. Kahit hindi man sila nagkatuluyan ni Andi Eigenmann ay maganda naman ang relasyon nila bilang magkaibigan at para rin ito sa kanilang anak. 

Willing naman daw si Jake na makatrabaho si Andi kung bibigyan ng oportunidad balang araw. 

Bukod sa pagiging anak ng dating Presidente ng Pilipinas na si Erap at dating aktres na si Laarni Enriquez, sumikat si Jake sa Kalyeserye ng Eat Bulaga noong 2017 bilang ka love triangle nina Maine Mendoza at Alden Richards "ALDUB". 

Inamin ni Jake na walang namagitan sa kanila ni Maine at hindi niya din ito niligawan noon. Nilinaw niya ito para narin tumigil na ang nangbabash sa kanya noon pero sanay na daw ito sa mga ganun na bagay. Malaki din ang utang na loob ni Jake sa Eat Bulaga dahil doon siya nakilala.

COMMENTS

Name

Entertainment,405,Food,2,Health,23,News,108,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Jake Ejercito, single na ng 5 taon at wala munang balak magkalove-life.
Jake Ejercito, single na ng 5 taon at wala munang balak magkalove-life.
https://1.bp.blogspot.com/-zVCS04t3Z78/YJ9YzrOsJgI/AAAAAAAAGdk/PNibCl9IW44easHtej7HrcbjrIieRmvEQCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-15T131446.328.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-zVCS04t3Z78/YJ9YzrOsJgI/AAAAAAAAGdk/PNibCl9IW44easHtej7HrcbjrIieRmvEQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-15T131446.328.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/jake-ejercito-single-na-ng-5-taon-at.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/jake-ejercito-single-na-ng-5-taon-at.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy