Isabel Oli and John Prats beautiful family!

Kilala si John Prats bilang isang child star noong 90's at kuya siya ng isa ring child star na si Camille Prats.  Si Isabel Oli naman ay...

Kilala si John Prats bilang isang child star noong 90's at kuya siya ng isa ring child star na si Camille Prats. 

Si Isabel Oli naman ay nag-umpisa sa showbiz noong 2004 at kabilang siya sa cast ng 'It Might Be You' na pinagbidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. 

Dito niya nakilala si John dahil isa rin siya sa supporting cast ng programa pero lumipat si Isabel sa GMA noong 2005 kaya nawalan sila ng kontak sa isa't-isa. 

Gumawa nang paraan si John para makontak si Isabel kaya finillow niya ito sa IG, nagkumento siya sa isang post ni Isabel at binati siya nito ng Merry Christmas at Happy New Year. 

Doon na nagtuloy tuloy ang kanilang komunikasyon hanggang araw araw ng dumadalaw si John Prats sa mga taping ni Isabel. 

Nag-organisa ng isang flash mob proposal si John kay Isabel sa Eastwood City noong 2014 at ikinisal naman sila noong 2015 sa Batangas. 

Biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Lilly Feather Prats, Daniel Freedom Prats at Lilla Forest Prats. 

Nakikitaan daw ng interes ni John ang panganay nilang si Feather sa showbiz dahil mahilig itong sumayaw at kumanta at kapag napapanood siya sa Ang Probinsiyano ay gusto rin niyang makita ang sarili niya sa telebisyon. Samantala, tutol at hindi muna papayagan ni John ang anak na mag-artista. 

"As much as possible kung pwede ko pang i-hold gagawin ko. Siguro sa commercial okay lang, pero I don't want her na pumasok muna ng bata pa."

Image via isabeloliprats IG

"Siguro kung gusto niyang pumasok, kapag nagka-edad na isya ng mga 16 o 17. Kung gusto niyang mag-artista, sana mga ganung age," pahayag ni John sa interview sa kanya ng Push.

"Ayaw ko lang na nakawin sa kanya yung pag-aaral niya, yung childhood niya. Pagka nagkaisip na siya at nakita ko naman gusto, hindi mo na mapipigilan yun. So pag gusto niya, wala naman akong magagawa, dagdag pa ni John.

Ilan sa mga nakarelasyon ni John ay sina Heart Evangelista, Nancy Castiglione, Shaina Magdayao, Bianca Manalo at ang broadway singer na si Rachelle Ann Go. 

Nagdiwang naman ang mag-asawa ng kanilang walong taon na pagsasama at may matamis na mensahe sila sa isa't-isa. 

Image via isabeloliprats IG

John to Isabel: "Loving you is one of the most magical feelings I have ever felt. I want to feel this magic for the rest of my life. Happy anniversary wifey!Thank you for always supporting me. You’re not quick to judge even when I make the stupidest mistake. You understand my faults and craziness. Thank you for being the best wife!"

Isabel to John: "Wow! Just like that and we are now celebrating our 8th anniversary. A different kind of celebration though - a video call date - but same kilig pa rin kaya ok lang. Grateful for you, and I appreciate you as always. Love you johnprats, and know that I am constantly your #1 fan."

COMMENTS

Name

Entertainment,237,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Isabel Oli and John Prats beautiful family!
Isabel Oli and John Prats beautiful family!
https://1.bp.blogspot.com/-GjIXsanUEkw/YKnj078kTgI/AAAAAAAAGkU/cXsMscm6WtUgCl7O1Fjq37b-Ukp5RDDYACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-23T131027.928.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-GjIXsanUEkw/YKnj078kTgI/AAAAAAAAGkU/cXsMscm6WtUgCl7O1Fjq37b-Ukp5RDDYACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-23T131027.928.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/isabel-oli-and-john-prats-beautiful.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/isabel-oli-and-john-prats-beautiful.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy