Ian Veneracion, loyal sa kanyang misis. Mahigit dalawang dekada na ang kanilang pagsasama.

Isa sa mga batikang aktor at matinee idol noong 90's ang si Ian Veneracion. Stephen Ian Lopez Veneracion ang kanyang buong pangalan at 4...

Isa sa mga batikang aktor at matinee idol noong 90's ang si Ian Veneracion. Stephen Ian Lopez Veneracion ang kanyang buong pangalan at 47 na ang edad nito. 

Mas lalo pa siyang nakilala noong naging popular ang tambalan nila ni Jodi Sta. Maria at ni Bea Alonzo. Siya rin ay equipment engineer, licensed private pilot, skydiver, paragliding pilot at scuba diver. 

Isa rin sa hilig niya ay ang pagpipinta na namana niya sa kanyang ama na Roy Veneracion na kilala din pintor. 

Siya ay ikinasal kay Pam Gallardo na isang industrial engineer at biniyayaan sila ng tatong anak na sina Draco, Deidre at Duccio. 

Hindi masyadong isinasapubliko ni Ian ang kanyang asawa kaya madalas ay solo or selfie lamang ang ibinabahagi niya sa kanyang IG. 

Hindi rin daw kasi ito mahilig sa socmed at magselfie dahil very private ito. Mahigit dalawang dekada na silang kasal at napapanatili parin nila ang maayos at matatag na samahan. 

Nung tinanong si Ian kung paano niya hina-handle yung popularity niya ngayon na maraming nagkaka-crush sa kanya. Ito ang naging sagot niya.

"Wala naman. Same way how she handled it before when we got married. Since hindi naman siya showbiz, so talagang malaki ang tiwala niya sa'kin."

"Sabi niya sakin, bahala ka, malaki kana. I trust your judgment. Alam naman niya na nasa sakin yun e. Kahit na maraming tukso, kung wala naman akong intensyong gumawa, so okey lang yan. May tiwala naman siya sa akin," dagdag pa ni Ian.

Ang isang anak nila Ian at Pam ay kabilang sa LGBT community. Ito ay si Deidre o Dids at sa isang interview nila noon sa Magandang Buhay ay ibinahagi ni Ian ang pag-amin sa kanya ng anak noong 16 years old siya na nagkakagusto daw siya sa mga babae. 

Pareho daw silang naiyak at akala ng anak ay hindi siya tanggap ng ama pero ayon kay Ian ay kahit ano pa siya ay tanggap siya nito at susuportahan niya. Bata pa lamang daw si Dids ay nakikitaan na siya ni Ian ng senyales dahil may pagka macho ang galaw niya kaya hindi na sila nabigla noong umamin ito.

May mga nagsabi at nagkumento naman sa kanilang YT video na mas namana ng kanilang mga anak ang hitsura ng ina kesa kay Ian.

"Di nangalahati ang mga anak sa pagka matinee idol look ni Ian. Wife mukhang mabait at mapagmahal na asawa pati sa mga anak. Thumbs up to this family of Ian."

"Siya ung totoong gwapo na may paninindigan..na kahit nag asawa Ng maaga,nagawa niyang ihandle Ng mabuti Ang relationship nila Ni wifey..kahit na Ang mundo ay punong puno Ng tukso...salute you dadsky..Lodi mo talaga."

"Kung ganito kabait and ka loyal asawa mo or bf you cant ask for more  ...plus factor nalang ung yaman and pgiging guapo niya .kasi cook, pilot,painter and an artist saan kapa kahit hindi ganun kaganda asawa niya pero ang tindi ng self esteem kasi d mo man lng makita umeksena sa mga palabas ni Ian .. Ganun kalaki trust niya sa hubby niya kasi d nmn flirty type tlaga eversince si Ian kahit nung kabataan pa niya kaya tahimik and strong pagsasama nila."

COMMENTS

Name

Entertainment,388,Food,2,Health,23,News,99,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Ian Veneracion, loyal sa kanyang misis. Mahigit dalawang dekada na ang kanilang pagsasama.
Ian Veneracion, loyal sa kanyang misis. Mahigit dalawang dekada na ang kanilang pagsasama.
https://1.bp.blogspot.com/-CgjHqUKDqrk/YKH_xevys5I/AAAAAAAAGfo/9q35lPGdEJc6zl45D4e4KtyekS-q5tx9gCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-17T133105.738.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CgjHqUKDqrk/YKH_xevys5I/AAAAAAAAGfo/9q35lPGdEJc6zl45D4e4KtyekS-q5tx9gCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-17T133105.738.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/ian-veneracion-loyal-sa-kanyang-misis.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/ian-veneracion-loyal-sa-kanyang-misis.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy