Hindi pa huli para umibig sa 49 anyos na si Eugene Domingo.

Hindi pa huli para umibig para sa 49 anyos na aktres at komedyante na si Eugene Domingo. Siya ngayon ay in a relationship sa isang Italyano ...

Hindi pa huli para umibig para sa 49 anyos na aktres at komedyante na si Eugene Domingo. Siya ngayon ay in a relationship sa isang Italyano na si Danilo Bottoni. 2019 noong nagdesisyon na magretiro si Danilo sa kanyang trabaho para manirahan sa Pilipinas at makasama ang kanyang minamahal na si Uge.

"Danilo and I have been very blessed because when we decided na he should retire early, dahil napapagod na rin ako kakalipad sa Italy and we like to be together, tamang tama ang timing."

"Luckily and fortunately, mas lalong naging intense yung love between me and Danilo. We realized how we really enjoy each other's company and araw-araw nagpapasalamat ako na binigay siya sa akin ng Panginoon."

Image via danilo.b IG

Apat na taon na ang kanilang relasyon at masayang masaya si Eugene dahil nagwakas na ang kanilang Long Distance Relationship at nagkasama na silang dalawa. Kilala ang mga Italyano sa galing nila sa pagluluto kaya madalas ay si Danilo daw ang nagluluto sa bahay lalo na kapag galing sa trabaho o taping si Uge.

Para rin kay Uge ay siya na ang hinihintay niyang 'The One' at hindi ito makapaniwala na magkasama na sila sa iisang bubong. Sa darating na Hulyo 23 ay magdiriwang nang 50th birthday si Eugene at dahil hindi na daw siya bumabata ay wala na silang balak pang magkaanak. 

"I'm not getting any younger so ayokong mag-anak. Okey na, dami nang tao sa mundo diba? Dadagdagan ko paba? What I mean is, I just like to enjoy myself and travel and enjoy what I have already saved."

Image via danilo.b IG

"I care for children and I have this mother instinct but it's enough for me. I'm thankful that I'm helping my family, my nephews, other people but as of now gusto ko lang baby-hin yung sarili ko at si Danilo," dagdag pa ni Uge. 

Samantala malaki naman ang pasasalamat ni Uge sa kanyang network dahil sa success ng kanyang programang Dear Uge na mapapanood tuwing linggo ng hapon sa GMA. 14 years na siyang contract star ng GMA at sobrang loyal daw siya dito dahil alagang alaga siya ng mga ito. 

"Talagang yung tiwala nila sa akin, talagang kapuso. Puso sa puso ang usapan. Ako sinasabi ko talaga buong puso akong makiki-cooperate as my gratitude to GMA for trusting me all these years," saad ni Uge sa interview sa kanya ng PEP.

COMMENTS

Name

Entertainment,388,Food,2,Health,23,News,99,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Hindi pa huli para umibig sa 49 anyos na si Eugene Domingo.
Hindi pa huli para umibig sa 49 anyos na si Eugene Domingo.
https://1.bp.blogspot.com/-KcXveN4GB6c/YKsddwBjQ9I/AAAAAAAAGk0/6wWB7FYP3TQTPmBHR3IR0NEYou_nEUtoACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-24T112845.133.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-KcXveN4GB6c/YKsddwBjQ9I/AAAAAAAAGk0/6wWB7FYP3TQTPmBHR3IR0NEYou_nEUtoACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-24T112845.133.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/hindi-pa-huli-para-umibig-sa-49-anyos.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/hindi-pa-huli-para-umibig-sa-49-anyos.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy