Apat na taon naghintay ang lalaking ito para makita ang mukha ng kanyang asawa.

Naiyak sa tuwa at namangha ang isang lalaki matapos makita niya sa unang pagkakataon ang mukha ng kanyang kabiyak sa araw ng kanilang kasal....

Naiyak sa tuwa at namangha ang isang lalaki matapos makita niya sa unang pagkakataon ang mukha ng kanyang kabiyak sa araw ng kanilang kasal. 

Sila ay sina Mubina Mustafa at Mehdi Isa Arathoon. Apat na taon nang magkakilala ang dalawa pero mula noon ay hindi pa niya nasisilayan ng lalaki ang mukha ng kanyang iniibig dahil may suot itong 'niqaab' na isang damit na sumasakop sa mukha at isinusuot ng mga ilang kababaihang Muslim. 

Una silang nagkakilala noong nag-aaral sila sa Unibersidad ng Toronto sa Canada. Nagpatulong si Mehdi sa kanilang takdang aralin noon kay Mubina at dahil sa kabaitan ng babae ay na-inlove si Mehdi sa kanya kaya kinuha niya at niligawan na niya.

Image via mehdinatv IG

Mula noon ay unting-unti nang lumalim ang kanilang pagkakaibigan hanggang maging sila na. Ilang buwan lamang ay inalok na ni Mehdi si Rubina na magpakasal at hindi parin niya tinanggal ang kanyang suot na 'niqaab' dahil gusto niya ay sa kasal nila mismo ipapakita ang kanyang mukha.

"On our wedding, my face was not covered. Why? Because the men and women were separated and when my husband had to see my face, we actually went to a private room and that's when he got to lift my veil."

Napa-wow naman daw ang lalaki nang una niyang masilayan ang hitsura at buong mukha ng kanyang asawa. Hindi din ito makapaniwala sa kanyang nakita. 

"When I finally saw her face, it was shocking. I didn't know how to reach. My first word was like, 'WOW'. I felt a little weird because I'd spent four or five years without seeing her face and I started tearing up."

Dagdag pa ni Mehdi ay hindi naman daw importante kung ano pa ang hitsura ni Rubina dahil nabighani ito sa kanyang kabaitan at personalidad. 

Mahigit isang milyon na ang kanilang mga fans sa kanilang socmed pero sa mga ibinabahagi nilang mga bidyo ay hindi parin pinapakita ng babae ang kanyang mukha.

Image via mehdinatv IG

Nagtataka naman si Rubina kung ano ang nagustuhan ni Mehdi sa kanya at bakit kahit hindi pa niya nakikita ang mukha niya noon ay inalok siya ng kasal. 

Ito naman ang naging sagot ni Mehdi.

"I never expected to marry you without seeing your face. I was attracted to how giving you were and how strong your faith was. I also wanted to show that I love you more than just your looks. I loved you for you."

Masaya naman si Rubina sa naging sagot ni Mehdi, sinabi niya na may mga lalaki parin na hindi tumitingin sa panlabas na anyo at bumabase sa histura. Hindi rin niya inaasahan na ang pagtulong niya noon kay Mehdi sa kanilang assignments ay mauuwi sa kasalan.

COMMENTS

Name

Entertainment,237,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Apat na taon naghintay ang lalaking ito para makita ang mukha ng kanyang asawa.
Apat na taon naghintay ang lalaking ito para makita ang mukha ng kanyang asawa.
https://1.bp.blogspot.com/-t4pwqPFN_1E/YK21VhwlHuI/AAAAAAAAGmk/MU7I7kyVhg0CwRcL0HoPDEA8t5qk8G3ywCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-26T104115.086.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-t4pwqPFN_1E/YK21VhwlHuI/AAAAAAAAGmk/MU7I7kyVhg0CwRcL0HoPDEA8t5qk8G3ywCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-26T104115.086.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/apat-na-taon-naghintay-ang-lalaking-ito.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/apat-na-taon-naghintay-ang-lalaking-ito.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy