Angelu de Leon, hindi itinatago sa mga anak na magkakaiba sila ng ama.

Sinimulan ni Angelu ang pag-arte sa telebisyon sa edad na 12. Nadiskubre si Angelu ni Johnny Manahan para sa isang kiddie gag show na 'A...

Sinimulan ni Angelu ang pag-arte sa telebisyon sa edad na 12. Nadiskubre si Angelu ni Johnny Manahan para sa isang kiddie gag show na 'Ang TV' na ipinalabas sa ABS-CBN. 

Noong 1995 naman ay nabigyan siya ng break at napabilang siya sa T.G.I.S. (Thank God It's Sabado) at Growing Up kasama sina Onemig Bondoc, Ciara Sotto, Raven Villanueva, Michael Flores, Rica Paralejo at Red Stenberg. 

Ang mga palabas na ito ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong makasama at makalove-team si Bobby Andrews. Ang kanilang love team ay naging isa sa mga hottest onscreen love teams sa kanyang henerasyon noong mid 90's.

Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan noon ay nabuntis siya ng aktor na si Joko Diaz kaya kailangan niyang mag maternity leave kaya ang mga proyektong nakaline-up sa kanya ay napunta sa ibang artista. 

Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at naghiwalay din ang dalawa. Meron silang isang anak na babae na si Ashley Diaz. 

Image via angeludeleonrivera IG

Nakilala naman niya ang businessman na si Jojo Manlongat at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Louise. Sa kasamaang palad ay hindi rin sila nagkatuluyan. 

Sa kabila ng ng pagiging isang batang ina, nagawa niyang bumalik muli sa showbiz at tanggapin ang mga mature role na binigay sa kanya ng Viva para narin buhayin ang mga anak. 

Kahit magkaiba ng ama ang kanyang mga anak ay hindi naman daw nila tinatanong ang sitwasyon nila at never din naman din daw tinago ni Angelu sa mga anak na magkaiba sila ng ama at naiintindihan nila ito. 

"Alam mo, ang fear ko dati noon, totoo namang maraming tsismosa sa Pilipinas. Ang ayoko, makarinig sila ng isang bagay na, totoo man o hindi, sa ibang tao."

"It always has to come from me para 'pag tini-tease sila or i-bully, ang sagot lang nila, ‘Oh, I know that.’ E, di, tapos ang kwento. [To me] it empowered them." 

"The truth empowered them more than it made them, you know, [think or say] ‘I can’t live my life." pahayag ni Angelu sa isang press conference niya dati sa isang teleserye ng GMA Network.

Image via angeludeleonrivera IG

Sa ngayon ay happily married na si Angelu kay Wowie Rivera, bago sila kinasal ay naging badminton buddies muna sila. Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na si Rafa. Meron din anak na lalaki si Wowie sa kanyang dating nakarelasyon.

Mahigit isang dekada na silang kasal at nagdiwang ng kanilang ikasampung anibersaryo noong September 15, 2020. Meron nakakaaliw at matamis na mensahe si Angelu sa kanyang asawa.

"One decade ago. I’m still looking forward to our eternity together. I love you my love. Thank you for still giving me my best life everyday."

"We both know we couldn’t have done it without God being in the center of our relationship. All glory to God for His grace and mercies that we receive from Him everyday."

"Since day one we both knew we aren’t a perfect couple but we know we serve a perfect God. Knowing that made every trial we face worth fighting for. Knowing we already have our victory through Christ Jesus."

"I’ve proven to myself that in sickness and in health, in size, shape and weight mahal mo ako. Kaya sayo ako!" I love you not just to the moon and back but to eternity and beyond."

COMMENTS

Name

Entertainment,388,Food,2,Health,23,News,99,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Angelu de Leon, hindi itinatago sa mga anak na magkakaiba sila ng ama.
Angelu de Leon, hindi itinatago sa mga anak na magkakaiba sila ng ama.
https://1.bp.blogspot.com/-Ij-_bsgbZwU/YKCw0yX0zLI/AAAAAAAAGec/otbY6v19u-Id_HRF4-qTBCUkET41QN5MwCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-16T134220.156.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Ij-_bsgbZwU/YKCw0yX0zLI/AAAAAAAAGec/otbY6v19u-Id_HRF4-qTBCUkET41QN5MwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-05-16T134220.156.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/angelu-de-leon-hindi-itinatago-sa-mga.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/05/angelu-de-leon-hindi-itinatago-sa-mga.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy