Derek Ramsay, still hoping na magkausap at maging magkaibigan sila ni Andrea.

Apat na buwan na rin ang nakalipas noong inanunsiyo ng Kapuso actor na si Derek Ramsay ang hiwalayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si And...

Apat na buwan na rin ang nakalipas noong inanunsiyo ng Kapuso actor na si Derek Ramsay ang hiwalayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Andrea Torres. 

Sa isang panayam ni Nelson Canlas kay Derek, inamin nito na hindi pa sila nagkausap ni Andrea pagkatapos ng kanilang hiwalayan at umaasa din siya na magkakausap sila at magiging magkaibigan parin balang araw. 

Hindi man nila buong ikinuwento ang dahilan ng kanilang break up ay meron daw silang pagkakaiba ni Andrea na hindi naayos kaya nauwi sa hiwalayan. Isang taon din nagtagal ang kanilang relasyon at kahit na anong mangyari ay ipagtatanggol parin ni Derek si Andrea sa mga bashers.

"There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party!!! The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang. We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her." sagot ni Derek sa isang kumento ng netizen patungkol sa kanilang dalawa ni Andrea.

Dahil pareho silang talent ng GMA Network ay malaki ang posibilidad na magkikita sila sa bakuran ng GMA. Kung sakali man daw na magkita sila ay iapproach daw ni Derek si Andrea pati ang kanyang ina. 

"I'm sure there will come a time where we will be back to having some sort of relationship as friends and I hope for that one day."

"If I definitely see her in the hallways of GMA, I'd approach her and greet her and her mom," dagdag pa ni Derek.

Samantala, masaya ang lovelife niya ngayon dahil nakahanap siya ng muli ng pagmamahal kay Ellen Adarna. Inanunsiyo nila ang kanilang relasyon nito lamang nakaraang Enero at nagsimula ito noong naimbitahan sila ni Ruffa Gutierrez sa kanyang bahay.

Focus muna ngayon si Andrea sa kanyang trabaho at wala muna siyang balak magkalove-life muli.

COMMENTS

Name

Entertainment,237,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Derek Ramsay, still hoping na magkausap at maging magkaibigan sila ni Andrea.
Derek Ramsay, still hoping na magkausap at maging magkaibigan sila ni Andrea.
https://1.bp.blogspot.com/-U2bBuvG_AY8/YFAgZOGma5I/AAAAAAAAGBw/ZSi4US_Zzr8INYn7zClrht7o3xMlysV9QCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-03-16T110452.283.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-U2bBuvG_AY8/YFAgZOGma5I/AAAAAAAAGBw/ZSi4US_Zzr8INYn7zClrht7o3xMlysV9QCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-03-16T110452.283.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/03/derek-ramsay-still-hoping-na-magkausap.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/03/derek-ramsay-still-hoping-na-magkausap.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy