Siya ay si Elijah Palanca na 13 years old na noong August 27, 2020. Anak siya ni Meryll Soriano at ang ex-husband niya na si Bernard Palanca na dati ding aktor. Naghiwalay ang dalawa limang buwan pagkatapos nilang ikasal.
Ayon kay Elijah, para lang daw niya kapatid si Meryll dahil super cool mom daw nito. Apo siya ng Wowowin host Willie Revillame at Diamond Star Maricel Soriano.
Pareho siyang close sa dalawa ay ayon kay Maricel sa kanyang interview sa Magandang Buhay ay hindi daw nakakatikim ng palo si Elijah dahil napakabait na bata nito at dahil narin magaling daw mag-disiplina si Meryll. Sana ay makatapos muna daw ito ng pag-aaral bago mag-girlfriend at kung mag-aartista man siya.
Nakaugalian na nilang magdiwang ng pasko ng magkakasama at madalas silang pumunta sa beach. Pagdating naman sa pag-aalaga ni Meryll kay Elijah ay medyo mahigpit daw ito pero mahinahon at balanse lamang. Dahil hindi na daw baby pa si Elijah at kailangan meron itong sarili niyang space at activities.
Pinapayagan na rin daw niya ito mag-mall mag-isa kasama ang mga kaibigan niya. Kung bibigyan din daw siya ng pagkakataon ay gusto din niyang maging isang guest sa programang Wowowin ng kanyang lolo.
Bukod sa pagiging active sa social media, hobby din nila ang pag vlog sa Youtube at gumawa rin sila ng channel nila na "The Curious Two". Mahilig magsulat si Eli at nakapagsulat na daw ito ng script ayon kay Meryll. Sa ngayon ay nagkabalikan sina Meryll at ang aktor na si Joem Bascon. Meron na din silang anak na lalaki.
"Pushed my heart out. 7lbs. 20 in. 10hrs. of labour. Normal birth delivery. We welcomed our beautiful boy."
Mag-post ng isang Komento