Diether Ocampo, masaya sa pribadong buhay.

Si Diether Ocampo ay ipinanganak noong July 19, 1974 at siya ay 47 years old na ngayon. Siya rin ay isa sa mga tinuturing na heartthrob noon...

Si Diether Ocampo ay ipinanganak noong July 19, 1974 at siya ay 47 years old na ngayon. Siya rin ay isa sa mga tinuturing na heartthrob noong 90's na naging miyembro ng The Hunks kasama sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Carlos Agassi at Bernard Palanca.

Ikinasal siya kay Kristine Hermosa noong 2004 pero naghiwalay din at hindi biniyayaan ng anak. Annulled sila noong January 30, 2009. 

Naging ex-boyfriend din ni Kristine si Jericho Rosales na nakatambalan niya sa programang Pangako Sa 'Yo na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2000. Siya ngayon ay kasal na kay Oyo Boy Sotto at meron silang apat na anak na sina Ondrea Bliss, Kristian Daniel, Kaleb Hanns at Marvic Valentin Sotto II.

Samantala, madaming nakakamiss sa kanya at gustong malaman kung ano na nga ba ang buhay niya ngayon pagkatapos niyang iwanan ang mundo ng showbiz.

Busy si Diether ngayon sa kanyang charity foundation. Ilan din sa mga hilig niya ay ang pagiging videographer, painting at golf. 

Siya din ay isa nang Lieutenant Commander ng Philippine Coast Guard Auxilliary. Noong nakaraang taon ay sumailalim siya sa training ng Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training. 

"It's a personal decision and I think it's something that alot of people especially yung mga young Filipinos should be aware that we have alot of things that part of our responsibilities to protect and of course serve our country and make sure yung ating environmental especially sa coastal area are well protected".

Sa isang video din ng AIA-PAC Asian Institute of Aviaton na isang Professional Pilot Training Center ay sumailalim si Diether sa isang training ng pagpapalipad ng eroplano. Isa na rin miyembro si Diet ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. 

Tila ay mas ineenjoy ni Diether ngayon ang kanyang pribadong buhay at kahit hindi na siya masyadong nakikita sa telebisyon ay nagagawa na niya ngayon ang kanyang mga hilig.

Muli din siyang nagbalik para sa ABS-CBN Ball noong 2019 kaya maraming natuwa lalong lalo na ang mga batang 90's noong muli siyang makita sa telebisyon. Madaming nagsasabi na parang hindi siya tumatanda at gwapo parin.


COMMENTS

Name

Entertainment,243,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Diether Ocampo, masaya sa pribadong buhay.
Diether Ocampo, masaya sa pribadong buhay.
https://1.bp.blogspot.com/-20QJkoBGXGE/YCZo1y_ZS1I/AAAAAAAAF38/gtChq81lemg5zENi5_P9UBJ4NqE2Y_wLACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B-%2B2021-02-12T113850.209.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-20QJkoBGXGE/YCZo1y_ZS1I/AAAAAAAAF38/gtChq81lemg5zENi5_P9UBJ4NqE2Y_wLACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B-%2B2021-02-12T113850.209.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/02/diether-ocampo-masaya-sa-pribadong-buhay.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/02/diether-ocampo-masaya-sa-pribadong-buhay.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy