Unang nakilala si Carla sa Philippine adaptation ng Mexican telenovela na  Rosalinda at mas lalo pa siyang sumikat sa My Husband's Lover noong 2013 kasama si Dennis Trillo at ang kanyang kasintahan na si Tom Rodriguez. 2014 noong nagsimulang mag-date ang Kapuso real life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. 


Isang taon lang ang age gap nang dalawa at dahil matagal na rin ang kanilang relasyon ay napag-uusapan na din nila ang pagpapa-kasal. 

Pangarap din ni Carla na ikasal sa simbahan pero dahil sa COVID-19 ay mukhang hindi muna ito mangyayari dahil hindi open sa kanya ang ideya na "pandemic wedding". Sa kanyang latest vlog sa YT ay sinagot niya ang ilan tanong gaya ng kung selosa daw ba siya,

"Hindi ako selosa, sinasabi ko yan sa lahat ng interviews ko. But really honestly, truthfully, hindi ako selosa. Number one, you shouldn't be kung wala naman basis diba, kung you trust your partner a 100%. Really may times na ang jealousy kasi gets in the way, it's really not good for your relationship, kung wala naman kayong pagdududa hindi dapat sayang lang yan sa effort at sa time. Wag magselos at be confident in yourself, be confident that your partner loves you."

Si Carla ay nakapagtapos ng pag-aaral sa De La Salle University sa kursong Bachelor of Arts Degree in Pyschology at siya ang cumlaude. Si Tom naman ay lumaki sa Catbalogan City, Samar at ang ama nito ay isang amerikano. 

Nag-migrate din si Tom kasama ang kanyang magulang sa Amerika noong siya ay 12 years old pa lamang siya at nag-aral din siya doon. Sumali din siya sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009 pero hindi siya masyadong nabigyan ng break sa ABS-CBN kaya nagdesisyon siyang lumipat ng GMA.

Samantala, matagal din ang naging relasyon ni Carla at ang aktor na si Geoff Eigenmann bago pa maging sila ni Tom. Umabot din ito ng halos apat na taon at sa inteview kay Carla noon sa Startalk ay inamin niya na hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

"We are two different people and we are too different. There’s just so many reasons. We don’t share the same value. It was the small things that contributed to just one big thing. We clashed more than we got along, so there are many reasons,”.



Post a Comment

Mas Bago Mas luma