Isa si Diana Zubiri o Rosemari Joy Garcia sa totoong buhay ang naging pantasya ng mga kalalakihan lalo na noong 90's. Siya ay nadiskubre...
Isa si Diana Zubiri o Rosemari Joy Garcia sa totoong buhay ang naging pantasya ng mga kalalakihan lalo na noong 90's. Siya ay nadiskubre noong 15 years old pa lamang siya at dahil sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan ay napabilang siya sa FHM.
Doon na nagtuloy-tuloy ang pamamayagpag ng kanyang career hanggang kunin siya bilang artista. Naging main cast siya ng Encantadia bilang Sang'gre Danaya na ipinalabas sa GMA Network noong 2005.
Simula noon ay sunod sunod na ang kanyang mga proyekto sa GMA at ikinasal siya kay Alex Lopez pero maaga itong na-byuda dahil nagkasakit at maagang nawala ito.
Tumagal lamang ang kanilang pagsasama ng dalawang taon at nagkaroon sila ng isang anak na si Joaquin Achilles Garcia na kasalukuyang naninirahan kasama si Diana ngayon.
Samantala, muling umibig at ikinasal si Diana sa isang Filipino-Australian businessman/model na si Andy Smith. Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng blind date at ikinasal noong 2015 sa Quezon City.
Meron na silang dalawang anak na babae, sina Alliyah Rose at Amira Jade. Naging emosyonal naman si Andy noong isinilang ni Diana ang kanilang bunso dahil naging maselan daw ang kanyang pagbubuntis kaya hindi nila ito isinapubliko.
"I didn't actually sleep kasi she woke up super early saying she's getting contractions. I tried having a nap, but I couldn't stop thinking about her.
"She did a good job. I know she was truggling a lot the last few weeks. Especially the last three days. The last three days have been really tough for her.
"Thankfully, she's healthy."
Sa ngayon ay balik na sa gym si Diana pagkatapos niyang manganak.
COMMENTS