Isa sa mga batikang artista at kontrabida sa Philippine showbiz ang aktres na si Evangeline Rose Gil Eigenmann o mas nakilala bilang Cherie Gil. Kapatid din siya ng mga aktor na sina Mark Gil at Michael de Mesa. 

Dati siyang kasal sa isang Israeli violinist mula 1994-2008 pero naghiwalay din sila at nagkaroon ng dalawang anak na sina Bianca at Raphael Eigenmann Rogoff. Si Raphael ay kinakikiligan ngayon sa internet dahil sa angkin nitong kagwapuhan. 

Lumaki sila ng kanyang kapatid sa Israel pero kasalukuyan silang naka base sa New York. Kagaya ng kanilang ina ay mahilig din sila sa acting dahil nakapagtapos ng Bachelor's degree in Fine Arts, major in Drama si Bianca sa NYU's Tisch School of Arts noong 2019. 

Si Raphael ay fan din ng football at mahilig magtravel kasama ang kanyang girlfriend na si Solveig Martin. Kahit hiwalay na ang kanilang mga magulang ay nananatili parin silang magkaibigan at parehas ng naka move on pagtapos ng annullment nila noong 2008. 

Kahit hindi masyadong kapiling ni Cherie ang mga anak ay madalas parin silang magkita dahil madalas din pumunta sa Amerika sa Cherie. 

Nakabisita na din si Raphael at Bianca sa Pilipinas. Sa kanilang mga post ay kitang kita kung gaano sila kalapit at madalas ay meron silang mensahe sa isa't-isa pag may okasyon.

'Had the best of many moments with this special one. Love him to bits. And he never ceases to surprise and to amaze. A true prince indeed with a heart so kind , loving and forgiving. Today I honor him as he turns another year moving Forward ! Happiest birthday my dearest Raphael'

'Happy mother’s day to this most beautiful, empowered, intelligent, and vibrant woman AKA mi Madre. Thank you for inspiring me to seize every day and live life to its fullest extend. Nothing but unconditional love.'

Post a Comment

Mas Bago Mas luma