Hindi napigilan mag kumento ng The Clash Season 1 finalist na si Jong Madadilay na mag-kumento sa mga nanlait sa kanya sa kanyang YT vlog na...
Hindi napigilan mag kumento ng The Clash Season 1 finalist na si Jong Madadilay na mag-kumento sa mga nanlait sa kanya sa kanyang YT vlog na 'HARANA SA OMEGLE & OMETV PART 4 (PINOY vs FOREIGNERS REACTION)'
Sa naturang video ay hinaharana ni Jong ang mga kabataan na nakaka interact niya sa OMETV. Matapang na inilagay ni Jong ito sa kanyang vlog at hindi niya itinago.
Sa huling parte ng video ay may mga kabataan na nagtatawanan at nagsabing 'Artista yan? Ganda ng ilong oh. Bakit ganyan ang ilong mo! Linktek na ilong yan butas butas.
Sinagot naman ito kaagad ni Jong at nagsabing, 'Wait lang, nasa vlog ko kayo pre. Panindigan mo yang sinabi mo ah'. Kita sa mukha ni Jong ang pagkadismaya kaya kaagad naman nag-sorry ang nagsabi nun kay Jong sabay next sa OMETV.
Ibinahagi naman ni Jong ang kanyang saloobin sa huling parte ng video.
"Kung napansin niyo may nanlait sa atin dun, actually pangatlo ko na naingkwentro yun pero tinuloy ko parin.
"Medyo parang nararamdaman ko na hindi na talaga maganda yung susunod pa."
"Payo ko lang please, iwasan po natin mambully, okay lang kung kaibigan natin yan pero yung hindi po natin kakilala iwasan po natin talaga yun. Umiwas po tayo na makasakit tayo sa kapwa natin."
'Actually hindi ako na-offend sa sinabi ng bata, naawa lang ako sa parents nun, naawa ako kasi hindi alam ng parents niya na ganun ang ginagawa niya'
Umani naman ng suporta at positibong kumento si Jong gaya na lamang ng:
'Yan si Jong!! Napakatransparent na tao. Hindi lang puro maganda pinapakita. Yung tutoo ring nangyayari.'
'Everyone is special in God's eyes, focus on the talent that He has given you..those people are not worthy of ur attention and energy.
'Next idol wag kna mangharana sa bansa natin subrang daming toxic tlga na mga kabataan NGAYOn better sa Ibang bansa nlng iwas bully kpa .I'm so upset sa ginawa ng mga kabataan na yun'
'Honestly speaking...malakas ung dating mo Jong, lalu na kpg kumakanta kana.. promise.. i think insecure lang ung mga walang modong un.. don't mind them..mdami kagaya nila sa mundo...what important is, alam mo kung ano ka..at alam mo mga kakayahan mo na nkakapgpasaya sa mga fans mo..at sympre mahal mo sarili mo...kaya nga marami rin ngmamahal sayo..count me in'
COMMENTS