Image credits to Sunshine Cruz and Macky Mathay IG

2018 nang tuluyan ng mapawalang bisa ang kasal ng dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. 

Sila ay biniyayaan ng tatalong anak na puro babae. Ito ay sina Angelina na 18 years old, Samantha na 16 years old at Francheska na 15 years old. 

Kasalukuyan silang naninirahan ngayon sa piling nang kanilang inang si Sunshine na meron na ngayon bagong nobyo na si Macky Mathay. 

Ayon kay Sunshine ay mahigpit pero cool siya sa kanyang mga anak. Kailangan muna nila ng permiso niya bago sila makalabas ng bahay at dapat daw ay kilala ni Sunshine ang mga kaibigan nila. 

Lagi din niya sinasabi sa mga anak na top priority nila dapat ang makapagtapos ang pag-aaral at makahanap ng trabaho tsaka na muna ang lovelife kaya naman honor students sila.

'Yung mga anak ko they're doing well in school, honor student pa nga. Kahit sinong magulang, mapa-proud na ganun. Lahat naman tayo alam na walang perkpektong pamilya, lalo na 'yung sa akin, na I'm a single parent. Pero the fact na nakikita ko na 'yung mga anak ko naman nandun 'yung respeto sa akin, mahal na mahal ako," dagdag pa ni Sunshine sa isang inteview sa kanya ng 'I Feel U'

Nagkakilala si Sunshine at Macky apat na taon pagkatapos ng hiwalayan nila ni Cesar. Ayon kay Shine ay focus siya at mas priority niya ang kanyang trabaho noon pero hindi niya inakala na makakatanggap siya ng mensahe mula kay Macky. 

Siya ay half brother nang aktres na si Ara Mina. Katulad din ni Sunshine ay meron na din tatlong anak si Macky sa dati niyang asawa na si Camille FariƱas na dalawang lalaki at isang babae. Lahat daw sila ay magkakasundo at tinuturing na pamilya ang isa't-isa.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma