I namin ni Rhian Ramos sa isang vlog sa kanyang Youtube channel na malaki ang pagbaba ng kanyang timbang dahil sa hiwalayan nila ng kanyang ...
Inamin ni Rhian Ramos sa isang vlog sa kanyang Youtube channel na malaki ang pagbaba ng kanyang timbang dahil sa hiwalayan nila ng kanyang dating Israeli boyfriend na si Amit Borsok.
15 pounds daw ang binaba ng kanyang timbang dahil siya ay broken hearted. Hindi daw siya nakakakain nang maayos, madalas ay lagi lamang siyang nasa kanyang kama at hindi rin ito nakakatulog na maayos.
Ayon din kay Rhian ay late na daw noong na-realize niya na sobrang laki na pala ng binaba ng kanyang timbang kaya tinulungan siya ni Dra Vicky Belo na ibalik sa dati ang kanyang pangangatawan.
Nakatanggap si Rhian ng iba't-ibang kumento sa kanyang mga larawan sa kanyang Instagram account pero rest-assured daw na nakakabawi na siya at nakakakain ng maayos.
COMMENTS