Matagal na din in a relationship ang beteranang aktres na si Mylene Dizon sa kanyang boyfriend ng anim na taon na ngayon na si Jason Webb. D...
Matagal na din in a relationship ang beteranang aktres na si Mylene Dizon sa kanyang boyfriend ng anim na taon na ngayon na si Jason Webb. Dating basketball star si Jason at ngayon ay assistant coach na.
Meron dalawang anak na babae si Jason sa kanyang dating asawang si Claudine Trillo at inaasikaso na nila ang annulment.
Si Mylene naman ay 4 years din tumagal ang dati niyang relasyon bago niya nakilala si Jason. Magkakalapit ang mga edad ng mga anak nila at magkakasundo din ang mga ito. Wala na din planong magka-baby ang dalawa dahil sarado na daw siya 'Sarado na ang factory', pabirong hirit ni Mylene.
Nang tanungin naman siya kung kelan niya balak magpakasal ay malabo daw ito dahil madami daw siyang kakilala na naghiwalay din pagkatapos ikasal at okay lamang sa una.
Natatakot daw siya na matulad siya sa kanila at kahit madami naman successful marriages ay hindi parin din siya kumbinsido.
'Wala sa bokabularyo ko yan!' Never ko naman yan sinagot yan na gusto ko magpakasal, di ako pang kasal e.
Nung tanungin muli siya kung sakaling biglaan na magpropose sa kanya si Jason, mag 'Yes' ba siya?
'Unang una hindi ako nagri-ring, so hindi magbibigay ng ring yan. May nakikita niyo ba ako may aksesorya malibang sa shooting at taping, hindi rin naman.' Wedding is not just for me!'
Ganun din ang sagot ng aktres na si Carmina Villaroel noon bago siya ikasal kay Zoren Legaspi.
May dalawang anak si Mylene sa kanyang dating partner na si Paolo Paraiso na pareho naman lalaki.
Nakatira sila ngayon ni Jason sa Cavite kasama nila ang anak nila sa dati nilang partner at wala din silang balak magka-anak.
May pabiro pa siyang hirit na ilang beses na daw siya ikinasal sa simbahan. Ito ay sa mga wedding scenes niya sa mga pelikula at teleseryeng kanyang ginampanan.
COMMENTS