Kumusta na nga ba ang comedy Legend na si Mr. Bean? Ito na pala siya ngayon.

Si Rowan Sebastian Atkinson ay ipinanganak noong January 6, 1955 at siya ngayon 66 years old na. Ipinanganak siya sa Consett, County Durham ...

Si Rowan Sebastian Atkinson ay ipinanganak noong January 6, 1955 at siya ngayon 66 years old na. Ipinanganak siya sa Consett, County Durham sa United Kingdom. 

Apat silang magkakapatid at siya ang ang bunso sa kanila. Nag-aral siya sa Oxford at Newcastle University sa UK at nakapagtapos siya ng Masters Degrees in Electrical Engineering. 

Hindi masyadong nagamit ni Rowan ang kanyang natapos dahil mas hilig niyang gawin ang pagsusulat at comic actor. Nakilala siya bilang Mr Bean at sumikat ng husto noong 90's dahil sa galing niya sa pagpapatawa kahit hindi ito nagsasalita. 

Mapa bata man o matanda ay tuwang-tuwa sa kanya dahil sa nakakatawa niyang kilos at facial reactions. Bago pa siya nakilala ng husto sa telebisyon ay nagsimula muna siya sa bilang isang komedyante sa mga teatro. 

Nakagawa siya ng 20+ na pelikula at 30+ TV series. Dahil sa success ng Mr. Bean ay ginawan din ito ng animated tv series na ipinalabas din sa ABS-CBN noon. 

Samantala, pagkatapos ng halos tatlong dekada ay inanunsiyo ni Rowan noong 2012 na magreretiro na siya sa karakter na Mr. Bean. Hindi na masyadong napapanood si Rowan Atkinson ngayon pero ayon sa kanya ay mananatili parin sa puso niya ang pagiging Mr.Bean na tumatak sa buong mundo. 

Bakit nga ba hindi nagsasalita si Mr. Bean sa palabas na ito? Ayon sa kanya ay naging inspirasyon niya ang isang karakter sa comedy show sa France. Kagaya din niya ay hindi rin ito nagsasalita at puro action lamang ang kanyang ginawang pagpapatawa. 

Kinasal si Rowan kay Sunetra Sastry noong 1990 na isang make-up artist at meron silang dalawang anak. Nag-divorce naman sila noong 2015. 

Kinasal muli si Rowan kay Louise Ford na isang British actress/comedienne at meron silang isang anak. Kahit malaki ang agwat ng dalawa ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Si Louise ay 40 years old na at 26 years ang kanilang age gap.

COMMENTS

Name

Entertainment,405,Food,2,Health,23,News,108,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Kumusta na nga ba ang comedy Legend na si Mr. Bean? Ito na pala siya ngayon.
Kumusta na nga ba ang comedy Legend na si Mr. Bean? Ito na pala siya ngayon.
https://1.bp.blogspot.com/-OAwID3E8BYQ/YBF_0ACsUCI/AAAAAAAAFrg/lyM79iRgsmQzCe7-oOO25NN7r_pNjUYKACLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B%252846%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-OAwID3E8BYQ/YBF_0ACsUCI/AAAAAAAAFrg/lyM79iRgsmQzCe7-oOO25NN7r_pNjUYKACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B%252846%2529.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/01/kumusta-na-nga-ba-ang-comedy-legend-na.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/01/kumusta-na-nga-ba-ang-comedy-legend-na.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy