P umirma na ng kontrata at isa nang ganap na kapamilya si Janine Gutierrez pagkatapos ng halos isang dekada niya sa GMA Network. Nag-expi...
Nag-expire ang kontrata ni Janine bilang Kapuso noong November 2019 pero hindi na nagkaroon pa ng contract renewal ang GMA Artist Center at si Janine. Suportado parin ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz ang desisyon nito kahit hindi na sila magkasama sa isang network. Lumipat si Rayver Cruz noong 2018 sa GMA noong 2018.
Masaya naman ang mga magulang ni Janine na si Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez sa naging desisyon nang kanilang anak.
Mapapanood si Janine sa isang drama series na magiging unang proyekto niya sa ABS-CBN. Malaking desisyon daw ito para kay Janine kahit na wala pang franchise ang ABS-CBN pero masaya naman daw ito sa naging desisyon niya. Si Kathryn Bernardo at Liza Soberano ang gustong maka-trabaho ni Janine.
COMMENTS