Image credits herlene_budol (IG)

Talaga naman sunod sunod na ang blessings na dumadating sa buhay ng Wowowin co-host na si Herlene "Hipon" Budol simula ng madiskubre siya ni Kuya Wil bilang isa sa mga contestant ng Willie of Fortune. Malayo na nga ang narating ni Herlene dahil andami na niyang naipundar sa pagtatrabaho niya sa Wowowin.

Isa sa mga business ni Hipon ngayon ay ang Chix ni Hips (Chicken, Hipon, Rice Meals atbp.) Ito ay matatagpuan sa Angono Rizal katapat ng Angono Methodist Church. Libre din ang wifi dito. 

Bukod pa dito ay meron din siyang iba pang business na "Herlene's Clothing" na matatagpuan din sa Angono Rizal. Sa kanyang Instagram account na, nag post ito ng larawan nang kanyang bagong tayong negosyo na 'HIPS SHOP' noong Agosto 2020. Ayon sa post niya ay malapit na itong matapos.

Ito ang kanyang caption: 'Ang liit Naman Nyan herlene !! 'Walang nag uumpisa sa malaki agad. Parang ikaw Nung Bata ka inalagaan at ginabayan ka Ng magulang mo para lumaki ka Ng Kung ano ka ngayon. So magiging mabuti akong magulang para sa business ko. Wag kang mang small Ng iba baka mas lakihan kapa Nyan tyaga lang girl step by step wag ka mawalan Ng pag asa.'GODS WILL. Amen. Almost done Sana mawala na pandemic meet and greet na tayo'

Hips Clothing Soon at Angono Caltex Station

Posted by Chix ni Hips on Monday, January 6, 2020

Bago pa siya nakilala ay namasukan muna siya bilang Front Desk Staff sa Mayor's Office sa Rizal at ang kinikita niya noon doon ay pinambabayad niya ng kanyang tuition fee para sa kanyang pag-aaral. Napakadami narin kumukuha sa kanya bilang model at ambassador ng iba't-ibang mga kumpanya. 

"Wala akong talent. Wala akong kahit anong talent. Kapal lang ng mukha ang nagdala sa akin dito. Kung may talent man ako, pero hindi rin makapal mukha ko, wala rin'.

Dati nang biniro ni Kuya Wil sa programang Wowowin si Harlene na i-prioritize niya ang kanyang pag-aaral at kailangan na siyang tanggalin sa show pero nakiusap at pinilit niya si Kuya Wil na mag-stay dito dahil kaya naman daw itong pagsabayin.

'Kaya kong pagsabayin, Promise. 15 years old pa lang ako, nagta-trabaho na 'ko. Dito lang ako masaya. Ayoko nang utus-utusan ako ng mga ano tapos sisigawan pa ako,' dagdag pa ni Herlene.

Samantala, sa isang vlog ni Herlene ay idinetalye niya na nasira ang bubong ng kanilang bahay sa kasagsagan ng Bagyong Rolly noon, nakarating ito kay Willie kaya naman kaagad itong nagbigay ng tulong. 

'Speaking of Wowowin, nabagyo po kami ng bagyon Rolly. Nabutas po yung bubong namin, nalipad po yung isang kalahati po nung yero.'

"So nakarating po kay Kuya Wil at binigyan niya po ako ng 20,000 cash. Sabi niya dito pampaayos daw ng bubong. Ayan, thank you so much po kay Kuya Wil sa 20,000 na binigay niya. Kuya Wil, maraming maraming salamat."

Sa ngayon ay mayroon ng 516k subs si Herlene sa YT at monetized na rin ang kanyang account o kumikita na ito sa pamamagitan ng mga ads.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma