Maraming namangha kay Danica Sotto Pingris pagkatapos niyang ibunyag na hindi niya hilig ang pagbili ng mamahalin o branded na gamit kagaya na lamang ng sapatos at bags.
Sa isang interview sa kanyang ng PEP ay ibinahagi ni Danica na hindi pa siya bumili ng bag para sa kanyang sarili simula ng kinasal sila ni Marc Pingris noong 2007.
Madalas ay puro regalo lamang daw ito galing sa kanyang mga kaibigan, kay Marc at sa kanyang ama na si Bossing Vic Sotto.
Dagdag pa niya ay praktikal lamang siya kasi mas madami pa siyang mabibiling gamit kapag bumili siya ng branded na sapatos o bag at hindi naman siya kuripot.
Mas gusto niya rin ang mga damit na komportable siyang suotin kahit hindi ito mamahalin at mas priority din daw niya ang makapag-ipon para sa kinabukasan nang kanilang mga anak.
Mag-post ng isang Komento