Asawa ni Alfred Vargas na si Jasmine, hindi halatang may tatlong anak na.

Nabigyan ng break si Alfred Vargas noong makasama siya sa cast ng unang Encantadia kasama sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at ...

Nabigyan ng break si Alfred Vargas noong makasama siya sa cast ng unang Encantadia kasama sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle. Nakapagtapos siya ng A.B. Management Economics sa Ateneo de Manila University at meron din siyang master's degree sa public administration sa University of the Philippines Diliman. 

Siya ngayon ay kasal na sa Filipino-Italian non showbiz wife na si Yasmine Espiritu na ipinanganak sa Italy. Ikinasal ulit sina Alfred as Yasmine sa simbahan noong 2017 pero kinasal na sila in a civil ceremony noong 2010. 

Bago sila magkakilala, sinabi ni Yasmine na fan siya noon ni Alfred at meron pa siyang poster noon sa kanyang kwarto. Bumisita daw si Alfred noon sa bahay nila noong nagliligawan pa sila at nagulat na lamang siya na andun ang poster niya. 

Una silang nagkita taong 2008 pagkatapos ng show ni Alfred sa Laguna at na-inlove at first sight daw siya kay Yasmine dahil sa taglay nitong kagandahan at alam na niya na sarili niya na ito na ang babaeng makakasama niya habang buhay. Kinuha daw ni Alfred ang number nito sa isang fiesta show at pagkatapos ay tuloy-tuloy na ang kanilang komunikasyon.

'Sigurado akong siya na ang babaing pakakasalan ko, hindi nga lang ako sigurado kung pakakasalanan niya ako’. ayon kay Alfred noong nililigawan pa lang niya si Yasmine.

Si Alfred din daw ang first boyfriend at first love ni Yasmine. Sa ngayon ay may tatlo na silang anak, dalawang babae at isang lalaki.

Si Alexandra Milan ang panganay at ipinanganak ni Yasmine ito sa Italy. Si Aryana Cassandra at ang nag-iisang anak na lalaki at bunso na si Alfredo Cristiano. Napakalambing ng ate niya sa kanya at madalas nila itong lambingin.

Mahigit isang dekada na ang kanilang pagsasama. Maraming nagsasabi na kahawig daw siya ni Marian Rivera dahil sa ganda at amo ng kanyang mukha. Sa ngayon ay inlove na inlove parin sila sa isa't-isa lalo na si Alfred kay Yasmine at ito ang nakakakilig na post ng Aktor.

"Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi kita. Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging oo naman ang sagot mo sa akin. Mahal na mahal kita".

Katulad din ni Marian Rivera ay binayayaan din si Yasmine nang napakagandang pangangatawan. Kahit may tatlong anak na ito ay hindi ito halata ayon sa kanyang mga tagahanga. Sa kanyang IG account ay nag-post siya ng larawan na may caption na, 

"I’ve never been athletic or into fitness. When I was a student I would always find ways to skip my PE class. I easily get tired and bored. But last month, inspired by my amore’s health journey I decided to go out of my sedentary lifestyle. I chose to be strong and healthy for our kids. I began my program cautiously and progressed slowly. I exercise in short sessions a few times a week, keeping in mind that any amount of activity is better than none at all. Would you want me to make a vlog of my 20 minutes “mommy exercise” routine? I’m not an expert but I can share what works for me."

COMMENTS

Name

Entertainment,237,Food,2,Health,23,News,60,Others,3,
ltr
item
Daily Filipino News: Asawa ni Alfred Vargas na si Jasmine, hindi halatang may tatlong anak na.
Asawa ni Alfred Vargas na si Jasmine, hindi halatang may tatlong anak na.
https://1.bp.blogspot.com/-rnVm8aFdgCQ/YBas_qkjeYI/AAAAAAAAFu0/dS85edJviUwPWv8f_mV_ZN65g5v5kKkUwCLcBGAsYHQ/w640-h360/FotoJet%2B%252870%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-rnVm8aFdgCQ/YBas_qkjeYI/AAAAAAAAFu0/dS85edJviUwPWv8f_mV_ZN65g5v5kKkUwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/FotoJet%2B%252870%2529.jpg
Daily Filipino News
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/01/asawa-ni-alfred-vargas-na-si-jasmine.html
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/
https://www.dailyfilipinonews.com/2021/01/asawa-ni-alfred-vargas-na-si-jasmine.html
true
5714350926638590451
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy