Isa si Maureen Anne Tupaz sa mga sumikat na sexy star at pantasya ng mga kalalakihan sa Pilipinas noon.

Nakilala siya bilang Maui Taylor at kabilang siya dati sa Viva Hot Babes na sumikat noong 2003.

Kasama niya dito sina Andrea del Rosario, Katya Santos, Kristine Jaca, Sheree, Gwen Garci, Jen Rosendahl, Myles Hernandez at Hazel Cabrera.

Ipinanganak si Maui sa Brighton, England at nagdesisyon na mag lie low muna sa showbiz para makapag focus sa kanyang anak at asawa.

Meron na siyang 2 anak na lalaki ngayon at siya ay ikinasal kay Anton Sabarre na isang DJ at corporate realtor. Kinasal ang dalawa sa Hawaii.

Sila ang kanilang anak na si Antoine Miguel at Matteo Alonzo.

Sumasabak parin naman si Maui sa pag-aartista at naging special guest siya sa PFJ's ang Probinsyano.

Nadiskubre si Maui noong 1997 noong napabilang siya sa cast ng Anna Karenina kasama si Sunshine Dizon at Antoinette Taus sa edad na 14.

Sa edad niyang 36 ay kitang kita na maganda parin at alaga niya ang kanyang pangangatawan. Madaming nagsasabi na parang hindi siya tumatanda dahil sa kanyang baby face.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma