Image credits to Helenstito (IG)

Kabilang sina Tito Sen at Helen Gamboa sa mga artistang tumagal at umabot ng more than 50 years ang pagsasama. 

Sa gitna ng mga kritiko na nakukuha niya sa ibang tao ay buong buo parin ang suporta ng kanyang asawa, mga anak at kamag-anak nito sa kanyang hangarin na maglingkod sa mga Pilipino. 

Sa kabila ng kanilang mahigit na 50 years na pagsasama ay sweet parin sila sa isa't-isa at nananatili parin silang loyal kahit maraming pagsubok ang dumating.

Ang hindi daw malilimutan ni Tito Sen ay noong mag-tanan sila ni Helen noong 1969 at ikinasal sa Sto. Tomas Batangas. Ito daw ay sa kadahilanang mahigpit at over-protective daw ang Ina ni Helen.

'Tumalon siya sa bakod na itinakbo ko siya noon sa Sto. Tomas, Batangas. Kinasal kami sa pari dahil nawawala yung piskal at ibinalik ko siya nung hapon na at ang laki ng problema namin pag-uwi.' pahayag ni Tito Sen sa interview sa kanya ng Eat Bulaga.

“I try my very best to always make her happy. She takes care of me but it has always been about her. If she’s happy, then I’m happy. She’s my everything. She is my life,” dagdag pa ni Tito Sen.

Noong 2019, nag-celebrate si Tito Sen at Helen ng kanilang 50th anniversary at suot niya ang wedding dress na ginamit din niya nung nag-tanan sila 51 years ago. 

Hangang-hanga naman ang kanilang anak si Ciara Sotto sa kanilang matagal na pagsasama at sana din daw ay magtagal sila ng kanyang bagong partner. 

"Happy anniversary Daddy @helenstito and Mommy @bangshang7. I am so blessed and privileged to be your youngest. I always felt the love and support since I was young and this allowed me to do the same with those around me. You give me so much hope.. na meron talagang forever. I love you both more than words, and actions, and more than I could ever express.' caption ni Ciara Sotto sa kanyang IG post.

Madaming positibong kumento naman ang natanggap nila 'gaya ng sila talaga yung artista na till death do us part at sana daw ay marating din nila ang diamond anniversary.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma