Problema sa pagtulog.
Ang blue light na nakukuha natin sa ating mga gadgets ay nakakapagdulot ng mabagal na produksyon ng ating sleep hormone at ito ay ang pumipigil sa atin para makatulog.Hindi pagkain sa tamang oras
Ang paggamit at paglalaro ng sobra gamit ang cellphone ay nagiging sanhi ng pagkalimot sa tamang oras ng pagkain. Maaring maging sanhi ito ng iba't-ibang sakit kagaya na lamang ng sakit sa ulo, ulcer, anxiety, stress at madami pang iba.
Problema sa mata.
Isa ang mata sa mga pinaka-importanteng parte ng ating katawan lalo na pag tayo'y gumagamit ng gadget pero ang sobrang pagbabad ay nagiging sanhi ng komplikasyon sa mata dahil ito ay sensitibo na nagreresulta sa panlalabo, iritable.
Dry Eye Syndrome
Maari rin magkaroon ng dry-eye syndrome and labis na nakatutok sa gadgets. Ang "accommodative spasm" ay ang pagpilit ng mata na linawin ang paningin na maari din maging sanhi ng migraine.
Problema sa pakikisalamuha
Panay ang gamit ng cellphone kahit na may mga kasamang tao. Maaari itong maging sanhi ng pagiging ‘loner’ o hindi na pakikitungo o pakikisalamuha sa ibang tao.
Ang paggamit ng gadgets ay normal lamang ngunit limitahan natin ang paggamit nito upang makaiwas sa maaring maging epekto nito.
Mag-post ng isang Komento