U sap usapan ngayon si Francis Leo Marcos dahil sa isang video na ini-upload niya sa kanyang social media account kung saan pinakilala niy...
Si Mayu Estaquio Murakami ay isang Filipino Japanese Beauty Queen. Isa siya sa Top 10 finalists at second runner up sa talent competition sa Mutya ng Pilipinas noong 2016. Ikinasal siya kay Francis Leo Marcos noong July 20, 2019. Kahit 12 years ang age gap nila ay hindi ito naging handlang sa kanilang pagmamahalan. Si Francis ay 39 at si Mayu naman ay 27 years old.
Si Mayu ay buntis ngayon at kasalukuyang naninirahan sa Japan para narin i-manage ang kanilang businesses doon. Isa daw sa paboritong bonding nila together ay ang pag piano kung saan tinutugtugan ni Mayu si Francis. Si Francis naman ay mahilig din mag gitara.
Ipinanganak siya sa Japan noong October 21, 1992 at graduate siya ng Bachelor of Arts in English Communication sa Gakushuin Women's College sa Tokyo, Japan.
Naging viral si Francis noong nag-post siya sa kanyang Facebook account ng bigyan niya ng tulong ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbigay niya ng sako sakong bigas na napuno sa isang truck.
COMMENTS