Kumusta na nga ba ang sikat na dancer na nakilala sa dating programa ni Willie Revillame na Wowowee na si Luningning.

Si Lea Carla Santos o mas nakilala bilang "Luningning" ay sumikat bilang lead dancers ni Willie sa Wowowin na tiga Cabuyao, Laguna.


Kasama niya dito sina Mariposa at Milagring na sumikat din kagaya nito.

Sa pag-alis ni Willie sa ABS-CBN at paglipat niya sa TV5 at GMA Network ay iniwan din ni Luningning ang Wowowee noong 2010.

Sa ngayon ay patuloy parin ang hilig niya sa pagsasayaw. Sa kanyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng kanyang sariling business na Stardanz Fitness Studio.

Bukod pa dito ay hilig din ni Luningning ang pole dancing at iba pang performance art forms.

Nakitaan ng galing sa pagsayaw si Luningning simula pa noong bata siya at naging entertainer din siya sa Japan.

Hindi parin naman nakakalimutan ni Willie si Luningning dahil inimbitahan siya ni Willie noong birthday niya.


View this post on Instagram

A post shared by Lea Carla Santos (@luningning_08) on

Sa ngayon ay single parin si Luningning ay ineenjoy parin niya ang happy single life.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma