Photo courtesy of Gil Aducal Morales Madaming fans ni Ate Gay o Gil Aducal Morales sa totoong buhay ang nadismaya sa pagkaka pull-out ni...
![]() |
Photo courtesy of Gil Aducal Morales |
Excited pang nag-post si Ate Gay sa kanyang Facebook account na kasali siya sa mga celebrity na isasalang sa Tawag ng Tanghalan. "Eh yung lahat sila ako ang gusto makalaban hahaha sure winner daw sila o gusto nila ng masayang araw hahaha".
Ilang linggo na ang nakalipas ay hindi parin daw tinatawagan si Ate Gay para i-showcase ang singing talent niya sa TNT. Ayon sa kanyang post ay hanggang ngayon ay nananalangin pa daw siya na masalang na sa programa dahil tapos na daw ang pictorial, interview at band rehearsal ay wala parin siyang schedule. Atat na daw siya na mang aliw ng madlang people.
Sa kasamaang palad, ibinalita ni Ate Gay na hindi na daw siya makakasalang sa TNT. "Nais ko lang po ibalita na hindi na po ako makakasalang sa TNT .. nakakalungkot man na ang management ay walang sinabing dahilan kung bakit .. salamat sa abala sa oras na masaya sana.. bagamat patuloy lang po ang buhay na ang layunin ko lang ay magbigay aliw sa madlang people at lumaban.. uulitin ko po walang sinabing dahilan kundi Di na po ako isasalang ... maraming salmat po!"
Nagpahayag naman ng pagka dismaya ang mga fans ni Ate Gay at nais nilang malaman ang tunay na dahilan kung bakit pinull-out na siya. Gaya ng sabi ng Celebrity Comedian, wala daw binigay na dahilan ang TNT Management kung bakit hindi na siya isasalang sa sikat na programa.
COMMENTS