Photo courtesy of Star Magic
Showing na ngayong araw ang movie nila Maine Mendoza at Carlo Aquino na "Isa Pa With Feelings". Ito ang first movie team up nila kahit galing sila sa ibang network. Isa itong romantic comedy film na dinirek ni Prime Cruz.

Makikita sa trailer na si Carlo Aquino ay isang deaf na tinuruan si Maine ng basic sign language at nauwi sa pagmamahalan.

Dinaluhan ng mga Kapuso at Kapamilya stars ang premiere night nito kagabi kabilang na dito sina Bossing Vic Sotto at ang kanyang asawang si Pauleen Luna Sotto, dabarkads Ruby Rodriguez at ang panganay na anak niyang si Antoinette Aquino.

Nagpost naman ngayong araw sa kanyang Twitter account ang ka-loveteam nitong si Alden Richards ng kanyang suporta kay Maine at Carlo.

"Alam na this, pagkatapos ng trabaho at school derecho agad ng sinehan para sa #IsaPaWithFeelingsNowShowing congratulations ma’am
@mainedcm"


Number 1 Trending naman sa Pilipinas ang #IsaPaWithFeelings sa Twitter.

Post a Comment

Mas Bago Mas luma