Narito ang 5 tips na dapat mong gawin.
Step 1, kung nangyari sayo ito, isulat mo agad ang petsa, oras, Location ng ATM at iba pang impormasyon tungkol sa naging transaksiyon.
Step 2, kuhanan ng larawan ang resibo at itago ito o ipa-photocopy, dahil mayroon mga resibo na madaling mabura ang mga nakasulat.
Step 3, ipagbigay-alam kaagad sa mga kinauukulan ang nangyari at tumawag sa inyong banko at sabihin ang details ng insidente.
Step 4, pumunta sa kinauukulan at magsampa ng pormal na reklamo. Kung sakaling hindi kaagad natugunan ang insidente o hin naibalik ang pera, kaagad magpadala ng sulat o reklamo sa banko at isama amg mga mahahalagang documents tulad ng resibo.
Step 5, iulat sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Kung hindi aaksyunan ng bangko ang reklamo, kaagad ipagbigay-alam ito sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Isama ang mga details at kopya ng mga documents.
Source: GMA News Online, Banko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Mag-post ng isang Komento